ni Lucille Galon @Showbiz News | July 5, 2024

Nakitang kasama ng aktor na si David Licauco ang sinasabing non-showbiz girlfriend nitong nakilalang si Kirsten "Kisen" Hizon sa BGC, Taguig City.
Taga-Pampanga raw ang girl at kamag-anak ng may-ari ng kumpanyang gumagawa ng mga tocino at longganisa.
Sey ng isang TikTok user, “David Licauco spotted at Yes Please #davidlicauco #yesplease #bgc @David Licauco.”
Kalakip nito ang video na may kausap ang babaeng kasama ni David. Agad namang ikinumpara si Kisen kay Barbie Forteza, ang ka-love team ni David. Sey ng isang netizen, "Kisen is the chosen one for David.
Mas may utak pa yata si Kisen kesa kay Barbie. Mechanical engineering ang course, taga-Pampanga. Hizon apelyido, mayaman at may class. Eh, ‘yung Barbielat (Barbie)? Nagse-settle for less sa cheap na si Jak (Jak Roberto)."
Well, negosyante si David Licauco kaya’t hindi malabo na business-minded girlfriend din ang hanap niya. Ano naman kaya ang reaksiyon ni Barbie sa panlalait sa kanya dahil sa BF na si Jak Roberto?
Comments