Barbie, never nang babalikan… DIEGO, BUKING NA SEXY STAR NA SI DEBBIE GARCIA ANG BAGO
- BULGAR
- Feb 22, 2022
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 22, 2022

Kaya naman pala dedma na si Diego Loyzaga sa ex-GF na si Barbie Imperial at sa hirit ng aktres na never na siyang makikipagbalikan sa aktor ay dahil may bago nang 'apple of the eye' ang anak nina Ms. Teresa Loyzaga at Cesar Montano.
May nagpadala sa amin ng picture na ayon sa aming source, kuha bago umalis ng 'Pinas si Diego para magbakasyon sa USA.
Sa naturang piktyur, makikita si Diego na nasa bar at kaharap-kausap nito ang isang maputing babae na mahaba ang itim na buhok, Debbie Garcia umano ang name ng girl.
Hindi familiar sa amin ang name niya kaya nag-Google kami at nakita namin ang IG account niya. Viva artist pala ito at napasama na sa ilang pelikula kung saan sexy ang kanyang role.
In fairness, hindi naman nalalayo sa ganda at kaseksihan ni Barbie Imperial si Debbie Garcia na kung true ang chika sa amin ng aming source ay bagong chikababes nga raw ni Diego.
Tinanong namin ang nagpadala ng picture kung puwede ba naming i-publish pero nag-request ito na 'wag na dahil baka raw ma-trace siya bilang source. So, wait na lang namin ang confirmation or denial ni Diego tungkol kay Debbie Garcia.
But kung true man, wala naman sigurong masama dahil binata naman siya at hiwalay na sila ni Barbie. Sila pa rin daw ni Barbie when Debbie entered the relationship sa Baguio lock in daw. 'Yun nga lang, tiyak na masakit kay Barbie na ang bilis naman yata siyang napalitan ng ex-BF , ha?
Comments