top of page
Search
BULGAR

BARBARA, NAPAIYAK NANG MAPAG-USAPAN ANG NAGING RELASYON NILA NI RAFFY TULFO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 28, 2023




Naging emosyonal ang nagbabalik-showbiz na dating sexy star na si Barbara Milano nang matanong siya kahapon ni Tito Gorgy Rula sa ginanap na contract signing ng mga bagong artist ng Borracho Films/talent management headed by Atty. Ferdinand Topacio.


Isa si Barbara sa mga talents na bibigyan ng show-movie ngayon ng Borracho Films at kasama niyang pumirma ng 8-year contract kahapon sa Valle Verde Country Club ang mga new discoveries ni Atty. Ferdie na sina Fiona Phoebe, Anyah Koh, Stella Blanca, Luna Bella at Tala Zaldivar (co-host ni Atty. Topacio sa show niya).


Nu'ng tinanong si Barbara sa dahilan ng kanyang showbiz comeback, inamin niyang na-miss niya kasi ang buhay-showbiz, 'yung bonding niya with the press 'pag ini-interview siya, 'pag mine-make-up-an, etc..


Pero in fairness to her, nakita namin ang sincerity niya na hindi manggamit ng kahit sino sa kanyang pagbabalik-showbiz.


Tinanong kasi siya ni kapatid na Jobert Sucaldito tungkol sa past nila ng yumao nang si ex-President Noynoy Aquino at bilang respeto raw sa patay na, nakiusap siyang 'wag nang pag-usapan pa ito.


Pero nang mabuksan ang topic tungkol sa isang nakarelasyon niya noon na isa nang sikat na sikat na pulitiko ngayon, naging emosyonal nga si Barbara lalo nang maalala ang mga pinagsamahan nila ng guy na ayaw na niyang pangalanan dahil sikat na nga ngayon at tahimik ang buhay.


Minahal din naman daw kasi niya ang guy at tatlong taon din silang tumagal bilang magkarelasyon.


Nagulo lang daw ang lahat nang mabanggit niya sa isang interview noon sa Startalk ang pangalan ng guy na hindi raw niya alam na pamilyado na pala, kaya nang lumabas ang tungkol sa kanila, nagkagulo na nga.


Samantala, umiling naman si Barbara nang tanungin ni Tito Gorgy kung ang naturang guy din ba ang ama ng kanyang nag-iisang anak.


Uulitin namin, hindi pinangalanan ni Barbara Milano ang ex niya, kaya nag-Google kami at isa nga sa mga lumabas na na-link sa kanya noon ay ang senador na ngayong si Raffy Tulfo.


Well, past is past naman na at sa mga magdya-judge kay Barbara na nag-iingay lang siya sa kanyang pagbabalik-showbiz, unfair dahil ayaw nga niyang pangalanan kung sino ang sikat na sikat na pulitiko na ngayon na nakarelasyon niya.


So, si Google na lang ang sisihin natin dahil nagki-keep ng records of the past, charot!


Anyway, kasabay ng launching-contract signing ng mga bagong Borracho artists, ibinalita rin ni Atty. Ferdinand Topacio na simula sa Dec. 1, mapapanood na rin sa Netflix ang kanyang first produced action movie, ang Mamasapano na pinagbidahan ni Edu Manzano.

 

Awww!

MARIAN, TALU-TALO PARA SA PERA,BFF TINRAYDOR


Well-loved talaga ng mga anak-anak niyang celebrities si Ma'm Rhea Anicoche-Tan dahil gumora talaga sila at nag-stay nang matagal sa ginanap na birthday party ng Beautederm CEO last Saturday sa Luxent Hotel.


Sa pangunguna nina Bea Alonzo, Maja Salvador, Rayver Cruz, Jane Oineza, Enchong Dee, Kakai Bautista, Kitkat at ng mga bagong ambassadors niya sa Beautederm tulad ni Gillian Vicencio, star-studded ang naturang birthday party ng pinakasikat ngayong CEO ng beauty products.


Hindi man nakarating si Piolo Pascual, nagpadala naman ng bouquet of flowers, habang si Sam Milby ay may bonggang greetings din.


Halos iisa lang ang wish ng mga Beautederm ambassadors para kay Ma'm Rei, good health, more success and longer life.


Umagaw lang ng atensiyon namin nang sabihin ni Kakai na "peace of mind" ang wish niya kay Ma'm Rhea dahil halos nasa kanya na ang lahat.


Bigla tuloy nag-flashback sa amin ang nakarating na chika ng isang kasamahan sa showbiz na masama pala ang loob ng ilang nagmamahal kay Ma'm Rei dahil sa pagtanggap ni Marian ng endorsement ng kalabang beauty products ng Beautederm.


Bagama't 'di naman eksaktong lotion na ine-endorse ni Marian sa Beautederm ang kanyang tinanggap sa kabila, may koneksiyon pa rin 'yun sa skincare, kaya na-hurt 'yung mga nagmamahal kay Ma'm Rei at nag-comment na 'pera-pera' lang daw pala ang Primetime Queen at nananabla ng naging kaibigan na rin naman nitong CEO.


Kaya bago kami umuwi, tinanong namin si Ma'm Rhea kung true ba na masama ang loob niya kay Marian na ni hindi rin bumati sa kanya, pero sagot naman ng Beautederm CEO, "Okay kami."


Oh, well, knowing Ma'm Rhea na walang mean bone sa katawan at ayaw ng negativity, wala kaming napiga sa kanya.


Pero siyempre, may mga taong nagmamahal sa kanya na nakakaalam ng issue, 'no!


'Yun na!



0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page