top of page
Search
BULGAR

Bantiloc sumablay ang palaso pero swak pa sa knockout round

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 29, 2024



Sports News
Photo: Agustina Bantiloc - Philippine Paralympic Committee ( PPC )

Hindi nakisama ang lipad ng mga palaso ni Agustina Bantiloc at nagtapos siya sa ika-28 at huli sa Women’s Individual Compound Ranking Round ng 2024 Paris Paralympics Archery Huwebes ng gabi sa Les Invalides.


Dahil dito matatapat ang pambato ng Pilipinas sa bigatin na si #5 Jane Karla Gogel ng Brazil sa knockout round ngayong Biyernes simula 3:00 ng hapon sa parehong palaruan. Nakapagtala lang si Bantiloc ng 51 sa perpektong 60 puntos si Bantiloc sa kanyang unang anim na palaso na katabla ni Jeong Jinyoung ng Timog Korea.


Kung nakabawi si Jeong at umakyat sa ika-18, hindi na nakaahon ang Pinay at nanatili sa pinakailalim at nagtapos na may 618 mula sa 72 palaso. Numero uno si Oznur Cure Girdi ng Turkiye na nagtala ng bagong World at Paralympic Record na 704.


Inabot ng huling tira kung saan tinamaan niya ang 10 at siyam lang si Sheetal Devi ng India para magtapos sa 703 na hinigitan ang dating World Record na 698 ni Phoebe Patterson Pine ng Gran Britanya at Paralympic Record na 694 ni Jessica Stretton ng Gran Britanya noong Tokyo 2020.


Sa lakas ng mga kalahok, linamapsan din ng 696 ng pangatlong si Fatemeh Hemmati ng Iran ang Paralympic Record. Sina Girdi, Devi, Hemmati ang #4 Jodie Grinham ng Gran Britanya ay pasok na sa Round of 16 at maghihintay ng makakalaban mula sa Round of 32.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page