top of page
Search

Bantay-sarado ng nanay, bawal sa TV host… QUEENAY, WALA PANG 1 BUWAN, TSUGI NA SA SHOW NI WILLIE

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 27, 2024


Showbiz news
Photo: Sing Galing / FB

Parang kailan lang ay super promote pa si Queenay Mercado bilang isa sa mga hosts ni Willie Revillame sa pagbabalik ng game show na ang bagong titulo ay Wil To Win sa TV5.


Napanood pa namin noon ang guesting ni Queenay sa programang Cristy Ferminute nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika na napapakinggan sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM, kung saan tuwang-tuwa siya dahil nga isa sa mga pangarap niya ay mapasama sa isang game show ni Willie, na nagkatotoo na nga.


Pero ano'ng nangyari, dalawang linggo pa lang umeere ang Wil to Win, wala na si Queenay?


Base sa tsikahan nina ‘Nay Cristy, Wendell Alvarez at Romel Chika sa Showbiz Now Na episode nu'ng July 25 ay marami na raw bumaklas kay Willie.


“Wala pa pong isang buwan si Willie, pangalawang linggo pa lang niya ngayon, ay ramdam na po natin talaga kung paano bumaklas ang marami nating kababayan sa kanya dahil sa ipinakita na naman po niyang walang kakontrol-control na nagalit sa ere,” bungad ni ‘Nay Cristy.


Nabanggit pa na kapag nagtatatalak na raw si Willie sa programa ay tahimik at nakayuko na lang ang mga hosts at hindi na nagsasalita.


At dito na pumasok na kailan lang ipinakilala ang mga co-hosts ay may isa nang hindi sumisipot.


“May hinahanap ako, nag-promote na sa ‘tin ‘to, eh, si Queenay, ‘yung Batangueñang vlogger, asan si Queenay?” tanong ni ‘Nay Cristy.


Sey ni Romel Chika, “Oo nga, ‘no? Maraming nagtatanong.”


Dagdag ni Romel Chika, “Ang balita ko, nakapag-rehearse na, pero ‘di naman siya umere. Ang sabi-sabi, kasi wala naman kami ru’n, na ipinagbabawal daw yata ni Kuya Wil ang may kasamang PA (personal assistant) sa loob ng room nila.”


Sabi ni ‘Nay Cristy, “Eh, kasama lagi ni Queenay kahit sa vlog n’ya, nanay n’ya?”


“Baka ‘yun ang ipinagbawal,” sambit ni Romel Chika.


“Bakit pagbabawalan?” nagtatakang tanong ng SNN main host.


“Kasi ang siste pala n’yan, ‘Nay, room ng mga hosts, at iba ang room ng mga PA, ‘yun ang kuwento,” say ni Romel Chika.


“Na tinanggal si Queenay kasi may kasamang nanay?” sabi pa ni ‘Nay Cristy.


Duwetong sabi nina Wendell at Romel Chika, “Malamang, ayaw ng may bantay.”


“‘Pag ayaw mong pabantayan, ano'ng ibig sabihin nu’n?” tanong ulit ni ‘Nay Cristy.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Willie Revillame o ng kampo niya tungkol sa pagkawala ni Queenay sa programa.


 

Showbiz news

Opisyal nang inilunsad ang ikalawang Puregold CinePanalo, kung saan mas marami nang grant para sa mga filmmakers. 


Papalapit na ang ikalawang taon ng Puregold CinePanalo Film Festival at katatapos lamang ng mediacon nitong Hulyo 23 sa Gateway Cineplex 18.


Sa taong ito, mas malaki ang pondo na inilaan para sa mapipiling mga filmmakers. Pitong full-length na direktor ang makakatanggap ng production grant na halagang tatlong milyong piso (PHP3,000,000.00), habang dalawampu’t limang mga student short film directors ang makakatanggap ng production grant na halagang isandaan at limampung libong piso (PHP150,000.00). 


Pitong full-length film grant ang ibibigay sa taong ito sa halip na anim gaya ng nakaraang taon. 


Binigyang-diin sa mediacon na katulad nu'ng nakaraang taon, ang layunin ng Puregold CinePanalo ay makahanap ng mga pelikulang nagtatampok ng nakaaantig na kuwentong panalo sa mga Pilipino. 


Ang mga nais magpasa ng kumpletong screenplay, dapat itong maipadala sa Hulyo 30 para sa kategoryang full-length, at Agosto 15 para sa kategoryang student shorts. 


Para mahikayat ang mga nangangarap na filmmakers na sumali sa Puregold CinePanalo Film Festival ay nagbigay ng encouraging story ang direktor ng nanalong Best Picture na Under A Piaya Moon na si Kurt Soberano.


“For me to reach my dream which is to make my first ever full-length feature, I started out as a filmmaker making short films here in the City of Bacolod. Stories that evolve around my province of Negros Occidental.


“Last August 20, 2023, I saw a call for entries for Puregold’s CinePanalo Film Festival. We applied and luckily, we got accepted to Top 15 and after our pitching, we are very lucky to be included in the top 6 and the rest is history,” kuwento ni Direk Kurt.


Dagdag pa niya, “I would like to extend my deepest gratitude to executive producer of Puregold CinePanalo, we have Mr. Chris Cahilig, Ms. Ivy Piedad and most especially, to Mr. Vincent Co. Thank you so much for giving me and my team this opportunity to finally make our first full-length feature.  


“To all the applicants, wish you the best of luck in your endeavors this coming CinePanalo Film Festival 2025.”


Dagdag pa sa mga mensahe ng mga full-length na direktor, nag-alay din ng mensahe ang apat na student directors nang maipakita ang mga karanasan at oportunidad na maihahandog ng Puregold CinePanalo sa nangangarap na maging filmmaker. 


Nasa press conference ang Always Panalo Film awardee na si Jenievive Adame, Best Director winner na si Dizelle Masilungan, at mga regional filmmakers na sina Marian Jayce Tiongzon at Joanah Demonteverde. 


Anyway, hinihikayat ang lahat ng interesadong filmmakers na basahin ang patakaran ng 2025 Puregold CinePanalo Festival at matapos basahin, maaaring isumite ang mga aplikasyon sa https://forms.gle/wNUUQ62okYcyW5r37




Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page