top of page
Search
BULGAR

Bano naman daw bilang gamer… ANDREA, AMINADONG KAYA LANG NAKA-472 K VIEWS ANG GAMING STREAM DAHIL

ARTISTA


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 18, 2021




Hindi sukat-akalain ni Andrea Brillantes na napakaraming gamers ang nanood ng kanyang gaming stream sa "Mobile Legends: Bang Bang” recently.


Nang makita niya ang bilang ng views, nag-iiyak siya at ikinuwento sa kanyang video sa IG.


“Kasi ‘yung stream ko, umabot ng 472K views, ‘yung stream ko,” humahagulgol niyang sabi.

First time raw niyang sumali sa gaming stream at akala raw niya ay mga 30 thousand lang ang magiging views. Kaya nagulat siya na umabot ito sa 472,000.


Umiiyak pa rin niyang wika, “Gusto kong sabihin na nahihiya ako nang sobra pero thank you sa mga nanood pero nahihiya ako nang sobra kasi hindi ako player, tapos, lag pa ako.”


Dagdag pa niya na patuloy ang paghagulgol, “Siguro, pinagtatawanan na nila ako. Sinasabi na nila na bakit ba ako naglaro, ‘Buti na lang, artista ka.’ Tapos, tatlong part pa ‘yun.”


Gusto na nga naming matawa kay Blythe (real name ni Andrea) dahil para siya talagang batang umiiyak. Kunsabagay ay 18 years old pa lang naman ang aktres kaya bata pa talaga.


Nang mahimasmasan si Andrea ay seryoso siyang nagpasalamat sa mga nanood.


“Clarification lang po, sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng nanood. Ang daming nanood, hindi ko talaga in-expect na ganu’n kadami. Pagkaalis ko ng stream, pagkatingin ko, nagulat ako nang sobra,” sey niya.


“Kaya ako umiyak kasi sobra akong nahihiya na ‘yun ang napanood n’yo kasi hindi ako talaga magaling, alam ko naman ‘yun. Na feeling ko lang, talagang pinagtatawanan ako ng mga tao, kasi iba ‘yung ways ng paglalaro ko, sampid lang ako. ‘Yun lang, ba-bye, thank you, hindi na ako iiyak,” sey pa niya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page