top of page
Search
BULGAR

Banned Team at players dahil sa 'game fixing' sa Super Cup

ni Gerard Peter - @Sports | April 17, 2021




"Wag natin babuyin ang basketball na pinakamamahal ng Pinoy.”


Ito ang mabigat na mensaheng binitawan ni Pilipinas Vis-Min Super Cup Chief Operating Officer Rocky Chan sa mga delingkwente at mapang-abusong koponan, players at coaches na umano'y sangkot sa "malawakang bentahan ng laro" nitong nagdaang Miyerkules ng hapon na naging sanhi ng tuluyang pagpapatalsik at pagbabawal na makabalik sa liga, kasunod ng sangkaterbang suspensiyon at multa sa Alcantara Civic Center sa Alcantara, Cebu.


Magkakabilang parusa ang binitawan ng pamunuan ng Vis-Min Super Cup sa koponan ng Siquijor Mystics at ARQ Builders Lapu Lapu City Heroes na umano'y kinakitaan ng mga sablay na lay-ups at sinadya umanong pagmintis sa mga free throws na natigil sa 27-13 sa pagtatapos ng halftime pabor sa Heroes, na siyang naging ugat ng paghihinala ng malawakang game-fixing at point-shaving.


Tuluyan nang pinatalsik sa liga ang buong koponan ng Mystics na binubuo nina Joshua Alcober, Ryan Buenafe, Vincent Tangcay, Jan Penaflor, Gene Bellaza, Michael Calomot, Frederick Rodriguez, Jopet Quiro, Isagani Gooc, Miguel Castellano, Juan Aspiras, Peter Buenafe, at Michael Sereno, kabilang din si head coach Joel Palapal at ang buong coaching staff nito.


It’s disgraceful acts to the sport we love the most,” sambit ni Chan sa isang video statement noong nagdaang Huwebes ng hapon sa Alcantara, Cebu kasama sina Cielito Caro at Technical director Rey Canete. “Itinayo namin ang liga na ito to provide a livelihood to players, coaches, utilities and other people behind. Sana 'wag nating sirain because of the sacrifice that we’ve made is not that easy,” dagdag ng sports official.


Pinatawan ng isang buong season na suspensyon at multang P15,000 si Rendell Senining, ang kontrobersyal na nagpalipat-lipat ng kanan-pakaliwa na tira sa free throw, habang sinuspinde rin ng kabuuan ng first rounds at P15,000 na multa sina Hercules “Jojo” Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, at Ferdinand Lusdoc, kabilang si head coach Francis Auquico, na binigyan naman ng P30,000 na multa at parehong suspensyon.


Hindi rin nakalampas sa naturang hagupit sina assistant coaches Jerry Abuyabor, Alex Cainglet, John Carlo Nuyles, Hamilton Tundag, at Roger Justin Potpot na pinatawan rin ng P20,000 kada isa. “This is a clear statement of the Pilipinas VisMin Super Cup. Any deliberate actions by any player and coach is not tolerated in this league,” wika ni Chan. “If ginagawa n'yo po ito sa ibang liga, 'wag n'yong gawin dito sa VisMin Super Cup.”


Nagpalabas na rin ng Memorandum ang liga sa iba pang nalalabing limang koponan sa Visayas at 10 sa Mindanao na huwag tularan ang ginawa ng Siquijor na pinatawan ng tuluyang pagpapalayas sa liga at multang P1,000,000.00.


This is a strong message to everyone who is involved. Hindi namin gusto o tolerate yung wrong doings. We will fine and sanctioned everything na nakita naming mali,” saad ni Canete.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page