Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023
Hiniling ng kapatid na OFW ng pinaslang na Pinay nurse sa Israel na si Angelyn Aguirre na maiuwi sa bansa ang kanyang mga labi.
Nasawi si Angelyn sa bahay ng kanyang amo nang umatake ang Hamas nu'ng Oktubre 7, 2023.
Maayos na nakauwi sa bansa ang kapatid ni Angelyn na si Angenica Aguirre kamakailan ngunit hindi niya magawang tuluyang magsaya dahil naiwan pa sa Israel ang mga labi ng kanyang kapatid.
Aniya, huli silang nagkitang magkapatid halos pitong araw bago ang pag-atake ng Hamas kung saan napatay nga si Angelyn sa tahanan ng kanyang amo.
Dagdag niya, meron silang palitan ng pag-uusap mismong araw ng Oktubre 7.
Ninanais ni Angenica na maiuwi na ng 'Pinas ang bangkay ng kapatid upang maayos nila itong maipagluksa.
Inaasahang darating ang mga labi ni Angelyn sa bansa bukas, Nobyembre 4.
Sa kabilang banda, inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tulong-pinansiyal na matatanggap ng pamilya Aguirre.
Comments