top of page
Search
BULGAR

Bangkay ng ina, itinago ng anak sa freezer

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 30, 2021




Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa loob ng freezer ng isang apartment sa Tokyo, Japan ngayong Sabado.


Iniimbestigahan ngayon si Yumi Yoshino, 48-anyos dahil ayon sa pulisya, may duda silang itinago at inabandona ang bangkay sa freezer na nadiskubre ng isang cleaner.


Inamin ni Yoshino na itinago niya ang bangkay ng kanyang nanay sa freezer sa loob ng 10 taon dahil ayaw niyang umalis umano sa naturang apartment, kung saan nakapangalan ito sa ina sa isang municipal housing complex, ayon sa Kyodo News.


Puwersahan nang pinaaalis sa kanyang unit si Yoshino noong kalagitnaan ng Enero matapos siyang hindi makapagbayad ng upa nito.


Tinatayang nasa 60-anyos ang ina ni Yoshino nang ito ay mamatay.


Gayunman, hindi matukoy sa isinagawang autopsy ang eksaktong oras at sanhi ng pagkamatay ng kanyang nanay. Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa naturang insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page