top of page
Search
BULGAR

Bangkay ng “alien”, dinala sa Mexican Congress

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | September 15, 2023




Nagdulot ng samu’t saring reaksyon ang sinasabing “non-human beings” na ipinresenta sa pagdinig ng Kongreso sa Mexico. Ang sinasabing mummified remains ay ipinakita sa dalawang maliit na display case noong Martes.


Ang mga pinaghihinalaang bangkay na may kulay abo at may kaparehong mukha na katulad ng mga tao, ay dinala ni Jaime Maussan, isang kontrobersyal na Mexican journalist at mananaliksik na nag-report na natagpuan ito sa Peru noong 2017.


Binanggit ni Maussan ang carbon dating analysis ng National Autonomous University of Mexico at sinabi niyang ang mga ito ay nasa 1,000 taong gulang.


Kinumpirma ng university’s physics institute sa isang pahayag na nagsagawa ito ng mga tests ngunit para lamang matukoy ang edad at hindi ang pinagmulan ng mga specimen.


Inulan ng tukso ang nasabing mga bangkay sa pagdinig at sinasabing ito ay mga alien.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page