top of page
Search
BULGAR

Bangkay, binitbit para makapag-withdraw sa bangko

ni Lolet Abania | January 8, 2021




Binitbit ng isang Indian farm laborer ang bangkay ng kanyang kapitbahay patungo sa bangko upang makakuha ng pera na gagamitin sa pagpapa-cremate rito, ayon sa ulat ng awtoridad sa Patna, India.


Kinilala ang namatay na si Mahesh Yadav, 55-anyos, residente sa isang village sa eastern state ng Bihar. Nasawi si Yadav noong Martes matapos ang pakikipaglaban sa matagal nang sakit. Wala umano siyang kaanak na naulila.


Ayon sa ilang opisyal ng Agence France Presse, natagpuan ng mga kapitbahay ang bangkay ni Yadav ilang oras pa lamang siyang namatay. Naghalughog ang mga villagers sa bahay ni Yadav para makakuha ng pera na pambayad sa pagpapalibing sa kanya subalit wala silang nakita.


Gayunman, nakita nila ang passbook ni Yadav kung saan may laman itong $1,600 sa kanyang bank account. Agad na sumugod sa bangko ang mga kapitbahay dala-dala ang passbook at ang bangkay ni Yadav.


Iginiit ng mga ito na hindi sila aalis ng bangko hanggang walang ibinibigay na pera ang branch manager, ayon kay Amrendar Kumar, isang local police officer.


"Villagers demanded the bank to give them money from his account for the cremation or else they would not cremate him," sabi ni Amrendar Kumar. "It put pressure on the bank, which finally released some money following the intervention of the local police station," dagdag ng police officer.


Ayon sa branch manager ng bangko na si Sanjeev Kumar, nagdulot ng matinding takot sa kanila ang insidente. "It was the first such case," sabi ni Sanjeev Kumar. "After over an hour, I gave them money ($135) and they finally left the bank with his body for the cremation ground," sabi pa ng bank manager.


Sinabi ng isa sa mga kapitbahay ni Yadav na si Shakuntala Devi, wala silang alam na pag-aaring lupa ang namatay. Aniya, hindi rin nakatanggap ng suporta mula sa gobyerno si Yadav.


"There was no-one to look after him although he had been ailing for months. We used to provide him cooked food and other things," sabi ni Devi.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page