ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 28, 2020
Nawawala at pinangangambahang patay na ang 17 mangingisda matapos lumubog ang Russian boat dahil sa bagyo sa Barents Sea.
Pahayag ng Russian Emergency Ministry, ang privately-owned boat na Onega ay lumubog malapit sa Novaya Zemlya archipelago sa Barents Sea bandang 7.30 AM (0430 Greenwich Mean Time).
Ayon sa opisyal, apat na bangka ang ipinadala sa isinagawang search-and-rescue operation at nasagip ang dalawang katao ngunit dahil sa sama ng panahon ay nahirapan silang hanapin ang iba pa.
Anila, "The crew consisted of 19 people. Two people were rescued.”
Samantala, ang pamumuo ng yelo sa trawler ang hinihinalang dahilan ng insidente.
Comments