top of page
Search
  • BULGAR

Bangka sumabog malapit sa BDM, 2 Pinoy sugatan

ni Angela Fernando @News | June 30, 2024


News
Photo: PCG / FB

Sugatan ang dalawang mangingisdang Pinoy ang matapos sumabog ang makina ng kanilang bangka malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal nu'ng Sabado, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo.


Batay sa mga larawang ibinahagi ng PCG sa mga miyembro ng media, lumubog ang nasirang de-motor na bangka pasado 3 ng hapon nu'ng Sabado.


Namataan naman ang dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) malapit sa insidente.


Samantala, sinabi ni Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, na nagsagawa sila ng mga operasyon sa pagsagip at nagbigay ng atensyong medikal sa mga nasugatang mangingisda.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page