ni Eli San Miguel @Overseas News | July 4, 2024
Sinakyan at kinumpiska ng mga opisyal ng China ang isang fishing boat ng Taiwan malapit sa baybayin ng China, na malapit din sa isang islang kontrolado ng Taiwan noong Martes ng gabi.
Dinala ng mga Chinese ang bangka sa kanilang daungan. Nagpapahiwatig ang pangyayaring ito ng pagtaas ng tensyon habang patuloy na ipinapahayag ng China ang kanilang pag-aangkin sa Taiwan, na itinuturing nilang kanilang sariling teritoryo.
Nagtaas ang China ng tensyon sa Taipei mula nang maupo si Pangulong Lai Ching-te noong Mayo, na itinuturing ng Beijing bilang 'separatist.' Ayon sa coast guard ng Taiwan, malapit ang squid fishing boat sa islang Kinmen ng Taiwan, malapit sa mga lungsod ng Xiamen at Quanzhou sa China, ngunit nasa mga tubig ng China noong Martes ng gabi nang sakyan at kumpiskahin ito ng dalawang Chinese maritime boats.
Ayon sa coast guard, nangingisda ang bangkang Taiwanese sa kasagsagan ng 'no-fishing' period ng China. Magkakaroon ng diskurso ang Taiwan sa China at papakiusapan sila na agarang palayain ang mga mangingisda.
Comments