ni Angela Fernando - Trainee @News | October 16, 2023
Narekober ng Philippine Coast Guard nitong Linggo ang bangkang binangga ng isang dayuhang barko nu'ng Oktubre 2 malapit sa Bajo de Masinloc na pumatay sa tatlong Pilipinong mangingisda.
Mapupunta umano ang nawasak na bangkang "FB Dearyn" sa pangangalaga ng fact-finding committee ng PCG bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon sa nangyaring banggaan.
Sa isinagawang press conference nitong Lunes, Oktubre 16, sinabi ni Coast Guard Vice Admiral Joseph Coyme, ang lider ng task force na Kaligtasan sa Karagatan, ang nakuhang bangka ay nagsisilbing ebidensiya laban sa mga responsable sa salpukan at upang masampahan ito ng kaso.
Nanawagan din ang PCG sa Scene of the Crime Operatives ng suporta upang matukoy kung anong barko ang kumitil sa buhay ng mga mangingisda.
Comments