ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 15, 2024
TILA SI HARRY ROQUE ANG NEXT TARGET NI GEN. NICOLAS TORRE NA HANAPIN -- Matapos i-contempt ng Quad-Committee ng Kamara si former presidential spokesman Harry Roque dahil sa pagtangging ibigay ang mga dokumento sa kanyang negosyo ay nagtungo ang mga operatiba sa kanyang bahay, sa farm at sa mga opisina nito para isilbi ang arrest order, pero hindi ito mahagilap.
Hay naku, hindi pa nga gaanong nakakapagpahinga si Gen. Nicolas Torre, ay tila may ipapahanap na naman sa kanya ang Kamara, boom!
XXX
SENADO AT KAMARA, MAGBABANGGAAN SA ISYU NG OVP 2025 BUDGET --Tutol ang majority senators sa pagtapyas ng majority congressmen sa budget proposal ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio para sa 2025 budget ng OVP (Office of the Vice President).
Banggaan na iyan ng Senado at Kamara, kaya’t ang tanong: Sino kaya ang mananaig? Abangan!
XXX
SA SURVEY NG SWS, LUMABAS NA MATAAS PA RIN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN, AT TALAMAK ANG ‘CORRUPTION’ SA MARCOS ADMIN -- Sa inilabas na survey ng SWS ay bagsak ang rating ng Marcos administration sa inflation (pagpapababa ng presyo ng bilihin at bayarin) at paglaban sa corruption.
Patunay ang survey na iyan na mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin at bayarin, habang talamak din ang ‘corruption’ sa Marcos admin, period!
XXX
HANGGA’T WALANG NAIPAPAKULONG NA TIWALING CUSTOMS OFFICIALS, HINDI MATITIGIL ANG PUSLITAN NG SHABU SA CUSTOMS -- Hinatulan na ng Manila Regional Trial Court (RTC) ng habambuhay na pagkabilanggo si Customs broker Mark Taguba at tatlo pang sibilyan na kasabwat nito sa pagpupuslit umano ng shabu sa Customs noong year 2017.
Sa pagdinig sa Senado at Kamara noon tungkol sa isyung ito ay may mga “ikinanta” si Taguba na mga Customs official na kasabwat niya sa pagpupuslit umano ng shabu sa Customs, pero ni isa sa mga opisyal ng Customs ay hindi nakasama sa hinatulan ng korte.
Aba’y kung ganyan na walang Customs official na tiwali sa tungkulin ang ipinakukulong ng korte, asahan nang hindi matitigil ang puslitan ng shabu sa Adwana, boom!
Comments