ni GA @Sports | December 10, 2023
Parehong nilisan nina Kai Ballungay ang pugad ng Ateneo Blue Eagles at si Miguel Oczon ng College of Saint Benilde Blazers upang maghanap ng panibagong landas na tatahakin patungo sa propesyunal na karera sa anumang dako ng mundo.
Nagpaalam ang high-flying forward na si Ballungay sa isang mahabang pagpupugay at pasasalamat na buod ng mensahe sa kanyang social media patungkol sa Ateneo Blue Eagles at kay coach Tab Baldwin matapos ang dalawang taong paglalaro kabilang ang kampeonato sa 85th season at Final Four run sa 86th season. “With strong feelings of excitement, I wish to share that I will be embarking on the next chapter of my journey—transitioning to the world of professional basketball,” pahayag ni Ballungay sa kanyang Instagram post. “The decision to pursue this path was not made lightly whatsoever, and I am glad to bring with me the invaluable experiences and lessons I have gained during my time at Ateneo.”
Pinangunahan ng 6-foot-7 Filipino-American ang Blue Eagles pagdating sa iskoring sa paglista ng 11 puntos kada laro, kasama ang mahigit pitong rebounds, dalawang assists at 0.75 steals sa kanyan sophomore year sa Ateneo na tinapos ang paghahari ng University of the Philippines Fighting Maroons na kasalukuyang lumalaban kontra De La Salle University Green Archers sa best-of-three Finals
Nagpaalam na rin si Oczon sa Taft-based squad sa social media nitong Miyerkules upang sumali sa Korean Basketball League na Ulsan Hyundai upang tapusin ang nalalabing dalawang taon na nalalabi sa Blazers, para samahan sa Korea sina Rhenz Abando (Anyang KGC), Juan Gomez de Liano (Seoul SK), Dave Ildefonso (Suwon KT), Calvin Epistola (Busan KCC) at Ethan Alvano (Wonju DB).
Opmerkingen