top of page
Search

Balikan ng KathNiel, fake raw… XIAN KAY MOMMY MIN: BAKA BIGLA AKONG MAG-UPLOAD NG VIDEO

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 26, 2025



Photo: Xian Gaza at Mommy Min - IG, Christian Albert Gaza, Kathryn Bernardo


How true na nagkabalikan na ang reel and real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?


Ayon sa Pambansang Marites na si Xian Gaza, may “reconciliation” nang nangyari sa celebrity couple.


Kamakailan ay muling nakaagaw ng atensiyon si Gaza sa online community, lalo na sa mga fans ng KathNiel.


Aniya, 99 percent umano na kumpirmadong nagkabalikan na sina Kathryn at Daniel.


After that intriguing post, nagbahagi naman ng statement ang mommy ni Kath na si Min Bernardo na huwag agad-agad naniniwala sa fake news. Pinangatawanan naman ni Xian ang kanyang sinabi. Aniya pa, marami raw ang nakakakita sa dalawa talking to each other backstage and in the dressing room, like hairstylists and other celebrities.


“Off work, may mga lihim na pagtatagpo and everything else, dami,” ani Xian.

Dagdag pa niya, “Talagang nagkaayos na sila, that’s confirmed.”

Sinabi pa niyang hindi iyon fake news.


“Baka bigla akong mag-upload ng video dito at hindi mo kayanin, Mother,” patungkol niya sa ina ng aktres.


Anyway, wala pa naman sigurong “balikan” na nangyayari sa ex-couple.

Ang kinukumpirma lang siguro ng Pambansang Marites ay nagkakasundo nang mag-usap ang dalawa unlike noon na nag-iiwasan sila kapag parehong nasa iisang event.


 

Ayaw paniwalaan… 

NADINE, LIBRE RAW ANG PAG-EENDORSO SA PARTYLIST, SOPLA SA NETIZENS


BINA-BASH ngayon ang award-winning actress na si Nadine Lustre dahil sa pag-eendorso niya sa isang partylist.


Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories post, “Hindi kailangan ng bayad kung para sa ikabubuti ng bayan. Ang tunay na paglilingkod hindi nabibili.”

Sey ng mga netizens: 


“Lahat may bayad, iba’t ibang paraan lang.”


“Tell it to the marines, Nadine!”


“I love you, Nadine but quite disappointed.”


“Kung hanggang ngayon DDS at apologist ka pa rin, kumuha ka na ng PWD, kapansanan ‘yan.”


“PWD nila, person with distemper.”


“Ang aasim nu’ng mga ‘I love you, Nadine but NO’ Hahaha! Real talk.”


Himutok naman ng isang netizen, “Remember Nadz (Nadine), nag-endorse ka kay Leni, talo pa rin. Same here din. I love you but mayaman ka kasi ‘di mo alam ang mga nangyayari. OFW ako at taga-probinsiya, grabe ang epekto ng Duterte admin sa amin kaya Nooooo.”


“Real talk. Sarili mo ngang kaibigan, ‘di mo alam inahas ka na kay James Reid, nakipag-wine toast ka pa kay Yssa Pressman, ‘yan pa kaya kay De Lima? Ano’ng alam mo?”


“At ‘di ka nakinig sa mga netizens, may nag-video na sweet sila ni Issa at James kahit nandu’n ka that time. Bakit kami makikinig sa ‘yo ngayon?”


“Maghubadera ka na lang, Nadine, kesa mangialam sa pulitika.”

“My goodness, Nadine, we are such a fan of yours but you picking De Lima for her partylist... Come on! You can do better.”


 

NALUNGKOT si Bela Padilla sa viral video ng lalaking hindi makalakad sa sidewalk.

Sa Instagram ng aktres, ini-repost niya ang video. Aniya, “Filipinos love ‘making light of things’ but in fact, the video is not funny.”


Sey kasi sa caption ng video, “Bw*sit na ‘yan... ‘yung naglalakad ka na nga lang, na-traffic ka pa... yawaaaa…”


Isang mama kasi ang tatawid sa sidewalk pero hindi makaraan dahil may naka-block na mga motorcycles sa sidewalk.


Maging ang mga netizens ay nag-react at nagtataka sila kung bakit walang enforcers na dapat magpaalis sa mga nakaharang sa daraanan ng mga tao.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page