top of page
Search
BULGAR

Balik sa mas mahigpit na lockdown, kayanin pa kaya?

@Editorial | July 21, 2021



Handa ba tayo na bumalik sa mas mahigpit na lockdown?


Kaugnay ng nagpapatuloy na banta ng Delta variant ng COVID-19, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na magpatupad muli ang pamahalaan ng mas mahigpit na mga patakaran para makaiwas sa naturang sakit.


Una nang kinumpirma ng Department of Health na mayroon ng local cases ng Delta variant sa bansa. Sa talaan ng DOH, 35 na Delta variant cases na ang naitala sa Pilipinas kung saan 11 rito ay local cases.


May babala rin ang mga eksperto na posibleng nasa paligid lang ang nasabing variant at kumakalat na.


Nakaaalarma at dapat talagang tutukan na habang maaga pa.


Ang tanong, kakayanin pa kaya, lalo na ng ating ekonomiya ang kung muling ipatutupad ang mas istriktong mga quarantine qualifications at ipagbawal ang mga mass gatherings para maiwasan ang paglaganap ng Delta variant?


Puwede kayang sapat na ang mga kasalukuyang panuntunan basta sinusunod sa lahat ng pagkakataon?


Sadyang napakahirap kalaban ang hindi nakikita, sabayan pa ng mga pasaway. Paulit-ulit nang pinaaalalahanan na magsuot ng face mask, shield at sundin ang physical distancing, ‘yun todo-gala at party, dedma!


Ngayong positibo na ang bansa sa umano’y mas mabagsik na COVID-19, baka mas galingan n’yo pa ang pagpapasaway.


Samantala, sakaling magpatupad ng mas mahigpit na patakaran kontra-Delta, inaasahan natin na magiging mas masigasig din ang gobyerno sa paghahatid ng tulong. Kung may mga pondo na sinasabing natipid o hindi nagamit sa ilang ahensiya, ito na ang tamang pagkakataon para mas mapakinabangan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page