top of page
Search
BULGAR

Balik-‘Pinas na… RUFA MAE, SUMUKO SA NBI

ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 9, 2025



Photo: Rufa Mae Quinto - IG


Dumating na sa Pilipinas si Rufa Mae Quinto mula sa Amerika. Agad siyang sumuko sa NBI upang harapin ang warrant of arrest na inisyu noong wala siya sa bansa.  


Ayon sa kanyang abogado na si Mary Louise Reyes, boluntaryong sumuko si Quinto at magpo-post ng bail.  


“She will face those charges. Mag-voluntary surrender siya. Hindi naman totoo 'yung allegations kasi my client is just a brand ambassador, a model-endorser,” paliwanag ng abogado.  


Kinumpirma ng NAIA-NBI Chief na si Jimmy De Leon ang pakikipag-ugnayan ng abogado ni Quinto sa kanilang opisina.  


Kinasuhan si Quinto ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code tulad din ng naging kaso ni Neri Naig, na nagbabawal sa pagbebenta ng securities nang walang pahintulot mula sa SEC. Ngunit nilinaw ng kanyang abogado na wala siyang kasalanan.


 

Nagbigay ng tribute si Dina Bonnevie sa pumanaw na mister na si DV Savellano. Ipinost niya ito sa kanyang Instagram (IG) feed kasama ang isang larawan ni DV, dating kongresista at undersecretary ng Department of Agriculture.  


Pumanaw si DV noong Enero 7, 2025. Inimbitahan ni Dina ang kanilang pamilya at mga kaibigan upang bigyang-pugay ang naging buhay at legacy ng kanyang mister.  


“We invite you to honor the life and legacy of Deogracias Victor ‘DV’ Savellano and bring comfort to our family as we remember him with love and gratitude,” ayon sa kanyang post.  


Ipinost din niya ang schedule ng public viewing at burial services.  


Base sa kanyang post, ang public viewing ay gaganapin mula Enero 8 hanggang 11 sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Quezon City. 


Pagkatapos nito, dadalhin ang mga labi ng kanyang mister sa kanilang tahanan sa Cabugao, Ilocos Sur mula Enero 12 hanggang 16 at ihahatid sa huling hantungan sa Enero 17 sa Cabugao Cemetery.  


Mula sa BULGAR Family, ang amin pong taos-pusong pakikiramay.  


 

Producer, kaibigan nina Tito, Vic & Joey… 

PEPSI PALOMA MOVIE NI DIREK DARRYL, TINANGGIHAN NG VIVA FILMS



Tinanggihan umano ni Boss Vic del Rosario ang pelikula ni Darryl Yap.  

Ayon kay Cristy Fermin, personal na kinausap siya ni Yap tungkol sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP). Sinabi niya na tinanggihan ng Viva Films ang proyekto dahil sa malalim na relasyon nito sa Tito, Vic, and Joey.  


Nanindigan si Yap na ang pelikula ay hindi konektado sa alitan ng TVJ at ng pamilyang Jalosjos o sa kalaban ni Pasig Mayor Vico Sotto sa pulitika.  


Dagdag pa ni Cristy, tapat niyang sinabi kay Yap na posibleng ang malalim na relasyon ng Viva Films sa TVJ ang dahilan ng pagtanggi.  


Bagama’t puno ng kontrobersiya, nananatili ang interes ng publiko sa pelikula ni Direk Darryl.  




0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page