top of page
Search

Balik-‘Pinas, focused sa trabaho… SANDARA, STOP NA SA TOMA AT BARKADA

BULGAR

ni Rohn Romulo @Run Wild | Jan. 13, 2025



Photo: Sandara park - Instagram


Balik-‘Pinas ang K-Pop idol na si Sandara Park para maging main host sa collab project ng TV5 at MLD Entertainment PH, ang K-pop survival show na Be the NEXT: 9 Dreamers (BTN9D).


Humarap nga ang South Korean actress-singer na member ng 2NE1 sa naganap na media launch kasama ng bonggang line-up of mentors na kinabibilangan nina Park Woojin ng AB6IX, Bang Ye-dam, Vinci ng HORI7ON, Hyebin (dating MOMOLAND), renowned choreographer Bae Wan Hee, at acclaimed producer na si Bullseye. 


Alam naman natin na at home na at home pa rin si Dara sa Pilipinas at hindi siya nakakalimutan bilang produkto ng Star Circle Quest (SCQ) ng ABS-CBN, kung saan ibinoto siya ng mga Pinoy.


Aminado si Dara na big challenge sa kanya na mag-host ng survival show, lalo pa na busy siya sa pagtu-tour kasama ang girl group.


“Actually, I’m really excited and nervous at the same time,” sey niya.


“It’s a new challenge for me, because I find a lot on stage, acting, being on musical shows but being a main host, it is my first time and I’m very excited to witness another K-pop superstar.


“I don’t know what I’m gonna do. Alam n’yo naman na krung-krung ako. But I will do the hosting, will go to the studio and I have to come back to Manila twice a month for this.”

Dagdag pa niya, “So, I’m really busy, no more friends, no alcohol, no rest, no vacation.


“I’m just focusing on my work, but I work out if I have time and to get a massage. Because it is really important to stay healthy, so I can do all these work, the best I can do.”


Opisyal na nga ang pagsisimula ng countdown sa premiere ng inaabangang K-pop show sa ika-8 ng Pebrero.


Pinagsama-sama sa show ang 75 aspirants mula sa global auditions na ginanap noong 2024. Bawat isa ay mag-aagawan para makapasok sa isang bagong 9-member boy group.  


Ang mga ‘dreamers' ay dadaan sa isang matinding paglalakbay, na ginagabayan ng kagalang-galang na panel of mentors at mga hurado upang makamit ang kanilang mga pangarap na maging mga idolo sa buong mundo.


Isa sa mga pangunahing highlight ng event ay ang Parade of Trainees, kung saan ang 75 contestants ay ini-reveal sa media sa unang pagkakataon.  


Ang bawat indibidwal ay may kakaibang talento at kuwentong sasabihin habang sila ay naglalaban-laban para sa isang puwesto sa huling 9 na miyembro ng grupo.

Hindi pa nga lang puwedeng ilabas ang kanilang mga mukha habang hindi pa ito naipapakilala sa show.


Saksihan ang pagsibol ng newest global pop idol sa BTN9D na mapapanood tuwing Sabado, 7:15 PM, at Linggo, 8:15 PM, at may weekday catch-ups tuwing 11:30 PM.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page