top of page
Search
BULGAR

Balik-boksing, premyo para raw sa pagtakbo sa 2022… SIGAW NG NETIZENS: PACQUIAO, PERA LANG ANG HABOL

Julie Bonifacio - @Winner | May 23, 2021




Balik-boksing si Sen. Manny Pacquiao this year. Ang world boxing champ mismo ang nag-announce nito sa kanyang social media accounts kahapon.


Ipinost ni Sen. Manny ang piktyur/poster ng magaganap na laban niya kay Welterweight World champion Errol Spence, Jr. sa August 21 na gaganapin sa Las Vegas, Nevada.


In fairness, ang dami naming nabasang comments sa post na 'to ni Sen. Pacquiao not only from Filipinos but also from fans around the world.


In fact, nag-number one trending pa ‘yan sa Twitter kahapon.


As expected, iba-iba ang reaksiyon ng fans sa balitang ito ni Sen. Pacquiao, pero marami naman ang natuwa at na-excite na boxing aficionados.


Ang dami na agad nilang kuda sa fighting chance ng kalaban ng beteranong boxing champ, and vice-versa. Kani-kanya na rin sila sa pag-aanalisa sa magiging outcome ng laban kahit malayo pa ang labanan.


May mga nag-comment ding netizens at pinagre-retire na lamang si Sen. Pacquiao sa boxing.

“I think he shouldn’t be taking this fight anymore…what’s there to prove?”


“Passion,” sagot naman ng isang netizen.


May nag-comment na netizen na ang laban na 'to ni Sen. Pacquiao ang ‘biggest money fight’ niya. Kaya pera lang daw talaga ang habol ng tinaguriang Pambansang Kamao.


“In reality, this is the biggest money fight for Pacquiao. I say take the fight and retire win, lose or draw.”


“That with money comes bigger chance of winning presidential election.”


“100% correct. It is not only the money!”


May comments din na gagamitin ni Sen. Pacquiao ang perang makukuha niya sa laban nila ni Spence para sa pagtakbo niya bilang presidente sa next election. At nakakagulat, karamihan sa mga nag-comment nito ay mga foreigners.


“Money, passion and ambition (to become president here in the Philippines).”


“Win or lose, Manny get a huge purse, a preparation for 2022 Presidential election in Philippines and by that time, Manny got a big KO from his presidential ambition.”


Gamitin man ni Sen. Pacquiao ang makukuha niyang pera sa laban nila ni Spence, at least, literal na galing mismo sa sarili niyang dugo't pawis ang ilalabas niya sa kanyang pagtakbo, unlike ‘yung ibang pulitiko d’yan na knows na ng mga Pinoy na galing sa kinurakot na kaban ng bayan ang pondo sa pagtakbo sa susunod na halalan.


Deebaaah?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page