top of page
Search

Balat, laylay na raw… SHARON, 'DI BAGAY NA PAYAT, NALOSYANG

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 12, 2023




Marami ang pumupuri sa determinasyon ni Megastar Sharon Cuneta na maabot ang desired weight niya.


Aba, hindi nga naman biro 'yung ilang taong sakripisyo para makapagbawas ng timbang at bumalik sa dati ang hugis ng kanyang katawan.


Naging inspirasyon pa nga si Ate Shawie ng mga 'chabelita' nating kababayan na kung kinaya raw niya, kakayanin din nila.


Pero may ilang nakapansin na hindi rin naman bagay kay Mega kung mas papayat pa siya sa timbang niya ngayon. Ngayon pa nga lang daw kasi, mukhang tumanda na ang hitsura ni Ate Shawie at hindi na kasing-fresh tulad ng dati.


Halata ring nag-sag ang kanyang mga balat lalo na sa braso, eh, malalaki pa naman ang bones ni Mega na trademark ng mga Cuneta.


Hmmm... sa dami ng datung ni Ms. Sharon Cuneta, for sure, kayang-kaya niyang solusyunan 'yang mga pag-sag na 'yan para manahimik na ang mga bashers niya, 'no!


Si Mega pa ba?!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page