ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 20, 2023
KATANUNGAN
May girlfriend ako sa ngayon, Maestro. Ang problema ko ay inilayo siya sa akin ng kanyang kamag-anak, at iniuwi siya sa probinsya. Ang buong akala nila ay wala na kaming komunikasyon. Pero, alam ko ang buong detalye ng nangyari at alam ko rin kung saan siya itinago ng mga kamag-anak niya. Nasa probinsya raw siya at sabi niya sa akin ay puntahan ko raw siya at magtanan na kami.
Wala nang mga magulang ang girlfriend ko at ang nag-aalaga na lang sa kanya ay ang mga tiyahin at tiyuhin niya na pinagmamalupitan siya. Mula nang inilayo siya sa akin, pinagmamalupitan at ikinukulong na siya.
Sabi ng girlfriend ko, sunduin ko siya at sasama na umano siya sa akin dahil may stable work na ako at nasa tamang edad na kami. Ang gusto kong malaman ay tama ba ang gagawin ko?
Nalilito kasi ako, kung dapat na ba akong mag-asawa o hindi pa. Maestro, nais ko rin malaman kung compatible ba talaga kami? Ang zodiac sign ko ay Virgo habang Pisces naman ang nobya ko.
KASAGUTAN
Tutal nasa legal age o nasa tamang edad na kayo upang mag-asawa at gumawa ng mga bagay sa sarili n’yong pagpapasya. Kaya kung mahal mo talaga ang girlfriend mo at siya na ang gusto mong mapangasawa, walang dahilan upang hindi mo sunduin ang girlfriend mo, saan man siyang lupalop o probinsya naroroon.
Samantala, kayo na nga ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong girlfriend anuman ang mangyaring aberya o problema sa inyong pagmamahalan. Ito ang nais sabihin ng maganda at maayos na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya tulad ng nasabi na, puwede mo na siyang puntahan sa probinsya o kung saan lugar man siya itinago ng kanyang mga kamag-anak. Sapagkat, tiyak ang magaganap, hindi na nga maaawat pa ang pagmamahalan n’yo na madali namang kinumpirma ng maayos at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na nagsimula sa Bundok ng Kaligayahan (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ngayon lang magkakaroon ng problema sa relasyon n’yo, pero kapag nakasal at nagsama na kayo, tiyak na ang isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong mga datos, Carl, anuman ang mangyari, sa bandang huli tiyak pa rin ang magaganap, kayo na nga ng kasalukuyan mong girlfriend ang nakatakdang magsama at bumuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taon ding ito ng 2023 sa buwan ng Nobyembre sa edad mong 28 pataas habang 25 pataas naman ang girlfriend mo.
Comments