ni Jasmin Joy Evangelista | January 10, 2022
Simula ngayong araw ng Lunes, January 10, hindi muna tatanggap ng walk-in sa mga vaccination site sa Muntinlupa hanggang sa Miyerkules, January 12.
Ito ay para sa gagawing tatlong araw na pediatric vaccination sa lungsod.
Ayon sa Muncovac, iniiwasan nila ang maraming tao na magkumpulan sa vaccination site ngayong linggo. Ang mga puwede lamang magpabakuna ay ang mga nakakuha ng text schedule at mga menor de edad na 12-17 years old.
Nananawagan din ang lokal na pamahalaan sa mga residente na magrehistro na para sa sa vaccination ng 5 to 11 years old.
Anila, ito ay pre-registration pa lang sakaling magbigay na ng go signal ang Department of Health sa pagbakuna ng mga bata.
Sa pinakahuling datos, may 1,695 active cases sa lungsod. Higit 400 dito ay mga bagong kaso lang sa isang araw.
Komentáre