top of page
Search
BULGAR

Bakuna muna bago sasabak ang Nat'l Athletes sa Int'l Competition

ni Gerard Peter - @Sports | January 7, 2021





Bukod sa paninigurong mabibigyan ng bakuna kontra sa COVID-19 ang apat na 2021 Tokyo Olympics-bound atletes, kasama rin sa mababakunahan ang lahat ng National Athletes sakaling available na ang vaccine sa bansa.


Tiwala ang POC na mababakunahan ang lahat ng bumubuo sa pambansang koponan na may 1,000 katao dahil sapat umano ang pondong pambili nito, ngunit inaalala lang ay ang pagdating ng mga supply nito.


Hindi na pinag-uusapan dito ang pambayad kung para sa mga athletes natin yan. Doable, kayang-kaya. But the national government will definitely provide that for us,” pahayag ni POC President Bambol Tolentino nitong Martes sa PSA Forum webcast, at sinabing sakaling walang makuhang pondo ay may mga pribadong kumpanya ang sasaklolo sa national athletes para mabigyan ng bakuna.


Gayunpaman, inamin ng pinuno ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) na sakaling mauna sa pagbili ang ilang pribadong kumpanya gaya ng Ayala Corporation at grupo ni Joey Concepcion, maaaring makisuyo ang National Olympic body na makabili para sa mga atleta. “Kung makakakuha yung group ng Concepcion at Ayala, pwedeng sumulat na can we get some for the Tokyo bound and qualifiers. Exaggerated na natin sa 300 pieces. Hindi naman problema ang pambili, ang stocks malamang ang magkulang.”


Ipinaliwanag ng 56-anyos na sports official na kakayanin nilang maglabas ng pondo kung aabot to sa P1-M hanggang P3-M ang vaccine na may halagang P1,000 hanggang P2,900. Sakaling makabili ang mga Local Government Units (LGUs) ng bakuna, ay tiyak mabibigyan ang mga atletang nakatira sa naturang lugar, kung kaya’t mas makakatipid pa ang kanilang tanggapan.


Pinaalalahanan din niya ang mga pinuno ng NSAs na kausapinatleta na kinakailangang magpabakuna dahil bakagawing mahalagang requirements ang pagbabakuna para sa pandaigdigang kompetisyon gaya ng Asian Indoor Martial Arts Games (AIMAG), Southeast Asian Games (SEAG) at sa Summer Olympic Games.

0 comments

Recent Posts

See All

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page