top of page
Search
BULGAR

Bakit nagkakaroon ng kanser sa baga kahit ‘di naninigarilyo?

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | November 21, 2020




Dear Doc. Shane,


Hindi namin alam kung paano nagkasakit sa baga ang aking nanay gayung hindi naman ito naninigarilyo. Puwede ba talagang magkaroon nito kahit walang bisyo? – Max


Sagot


Sa lahat ng mga uri ng kanser, ang kanser sa baga (lung cancer) ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy. Ayon sa datos, tatlo sa sampung Pinoy ay naninigarilyo, kaya naman maraming naaapektuhan ng sakit na ito.


Gayunman, maging ang mga taong hindi naninigarilyo ay posible ring magkaroon ng kanser sa baga.


Sanhi:

  • Paninigarilyo. Ang patuloy na paninigarilyo ay unti-unting pinipinsala ang mga baga hanggang sa magdulot ng cancer.

  • Paglanghap ng usok ng sigarilyo. Maging ang mga taong hindi naninigarilyo ay hindi ligtas sa sakit na ito. Kung may kasamang naninigarilyo sa bahay, iminumungkahi na lumayo rito at magtakip ng ilong.

  • Radon gas. Ito ay madalas na nalalanghap ng mga taong naninirahan malapit sa minahan. Ang gas na ito ay walang amoy, kaya ito ay sobrang delikado. Sa patuloy na paglanghap nito ay maaaring mapinsala ang malulusog na cells ng baga at magdulot ng kanser sa baga.

  • Maruming hangin. Maaari ring magkaroon ng kanser sa baga kapag napapadalas ang paglanghap ng maruming hangin. Ang naaapektuhan nito ay ang mga taong naninirahan sa mga lungsod sapagkat maraming mga sasakyan sa mga lugar na ito ang nagpapakawala ng maruruming usok.

  • Iba pang karamdaman sa baga. Ang pagkakaroon ng ibang karamdaman sa baga tulad ng hika, bronchitis o chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay maaari ring magdulot ng kanser sa baga.

  • Medical history ng pamilya. Kung ang ilan sa mga kamag-anak ay mayroon o nagkaroon na dati ng kanser sa baga, malaki ang posibilidad mong magkaroon nito.


Pag-iwas:

  • Iwasan ang paninigarilyo

  • Ugaliin ang pagtakip ng ilong habang naglalakbay

  • Magsuot ng face mask habang nasa labas ng bahay o opisina

  • Kumain ng maraming prutas at gulay

  • Mag-ehersisyo

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page