top of page
Search
BULGAR

Bakit dapat bumukod ‘pag may sarili nang pamilya?

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| September 29, 2020




Parte na ng kultura nating mga Pinoy ang pagkakaroon ng extended household. Tipong nand’yan sina lolo at lola, pamilya ng mga kapatid, gayundin ang mga pinsan.


Well, totoo namang masaya ‘pag sama-sama, lalo na kung magkakasundo naman kayo, pero ano nga ba ang kahalagahan ng pagbukod kung may sarili ka nang pamilya?

1. MALAYA SI MISIS. ‘Ika nga, there can never be two queens in a castle, kaya kung may anak at asawa ka na, mas magandang may sarili kang bahay kung saan si misis ang reyna dahil nakapagpapataas ito ng kanyang self-esteem. Wala siyang limitasyon dahil walang kailangan pakisamahan.

2. MAY SARILING PRIVACY. Kung may sarili kayong bahay, puwede kayong mag-usap nang hindi nagbubulungan. Kumbaga, walang makikialam sa inyo at walang kampihan kapag may nag-away.

3. MADALING MATA-TRACK ANG GASTUSIN. Walang ambagan, walang hiraman o pag-aabonong nagaganap, na kadalasang nangyayari kapag kasama sa bahay ang extended family. Dahil kailangan mong makisama, dapat nag-aabot ka. Ngunit dahil solo niyo bahay, mas madaling maba-budget ang pera at nalalaman kung saan napunta ang nagasta.

4. YOUR CHILD, YOUR RULE. Kapag maraming nasa bahay, marami rin ang dumidisiplina sa mga tsikiting. Ang ending, hindi consistent ang parenting style gusto mo dahil nand’yan ang mga lolo o lola na puwedeng magalit sa ‘yo ‘pag nagsimula ka nang magdisiplina sa iyong anak.

5. PUWEDENG MAGING TAMAD. Dahil may maliliit na bata sa bahay, magulo, madumi at makalat, pero kung may sarili ang tahanan, oks lang kahit ipagpabukas ang labahin. Ngunit kung nakikitira ka, “pabaya” kang magulang ‘pag hinayaan mong tambak ang labahin o hugasin ‘pag nagtantrum si bagets.

Marahil, ang iba sa atin ay wala pang kakayahang bumukod, kaya nagtitiis makisama. Gayunman, sana’y maging paalala ang mga nabanggit para lalo tayong magsikap na mabigyan ng sariling tahanan ang ating pamilya. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page