ni Mabel Vieron - @Special Article | June 11, 2023
Problemado ka rin ba kung paano mo mapapaputi ang iyong singit? Don’t worry, besh! Narito ang ilang home remedies na maaaring makatulong sa iyo, ngunit dapat ay maging consistent para sa magandang resulta. Magpakonsulta rin sa doktor kung kinakailangan para sa mga payong medikal.
Ayon sa dermatologist, normal lang umano ang magkaroon ng “deep dark secret”. Subalit, hindi pa rin maiiwasan ng mga kababaihan at kalalakihan na maghangad ng magandang balat ng singit.
1. ALOE VERA. Ito ay tumutulong sa pagpapabuti ng pigmented skin. Kumuha ng buong dahon ng aloe vera. Hiwain ito at ilabas ang katas ng gel nito. Kapag nakuha na, ipahid ito sa maitim na singit, at imasahe ito hanggang sa ma-absorb ng balat ang gel at kapag okay na banlawan ito ng warm water.
2. BAKING SODA PASTE. Isa ring moderate exfoliator ang baking soda dahil ang alkaline nature nito ang tumutulong para maalis ang scaly skin. Kung saan maaari rin nito maalis ang pangingitim ng singit na sanhi ng dry skin. Para magamit ang baking soda, maglagay sa bathtub ng kalahating tubig. Saka ibuhos ang baking soda at hayaang matunaw. Pagkatapos ay mag-soak sa loob ng 10-15 minuto sa baking soda bath at i-pat ang iyong dry skin at i-moisturize ito.
3. COCONUT OIL-LEMON JUICE. Mayaman ang lemon sa vitamin C na nakakatulong na makapagpawala ng hyperpigmentation. Habang ang coconut oil ay may antifungal at antimicrobial na tumutulong sa pagpatay ng bakterya at fungi sa balat. Dagdag pa rito, may 80-90% saturated fat ang coconut oil na nakapagmo-moisturizes ng balat. Naglalaman din ito ng iba’t ibang fatty acid. Kung saan, nakakatulong ito sa paglikha ng healthy membranes, at posible nitong i-reduce ang pangingitim ng ating singit. Paghaluin ang 2-3 tablespoons coconut oil at 1 teaspoon ng lemon sa maitim na bahagi ng singit at ibabad ito sa loob ng 10-15 minuto,at huwag kakalimutang magbanlaw pagkatapos.
4. SUGAR SCRUBS. Ang sugar scrub ay ginagamit para ma-exfoliate ang ating balat. Malaki ang naitutulong nito upang maalis ang dead skin cells na sanhi ng pangingitim ng singit. Para magamit ito, sa isang kutsara ng granulated sugar, magdagdag ng isang tablespoon ng coconut oil. Paghaluin ito at ilagay sa balat. Gawin ito sa loob ng 1-2 minuto bago banlawan.
Ilan lamang ito sa mga maaari nating magamit na home remedies, upang mapaputi ang ating bikini area, ngunit mga ka-BULGAR, kailangan pa rin natin mag-ingat dahil maraming mga produkto ang makikita sa merkado na may agaran pagpaputi. Maaaring kabilang dito ang mga ipinagbabawal o kahina-hinalang sangkap na hindi ligtas para sa ating balat.
Ang ilang partikular na solusyon sa mabisang pampaputi ng singit ay maaari ring magdulot ng mga paso at humantong sa mga masamang epekto na maaaring mas makasama kaysa makabuti sa iyo. Mas maigi pa rin magkakonsulta sa ating mga dermatologist, okie?
Comments