top of page
Search

Bakasyunista patay sa sunog sa hotel

BULGAR

ni Carlos Sican Corpuz (OJT) | March 26, 2023




MORROCO — Patay ang isang lalaking nagbabakasyon matapos itong ma-trap sa sunog sa hotel na kanyang tinutuluyan sa Jaal Riad Resort, Marrakech.


Nagbabakasyon lamang ang 40 taong gulang na Briton nang mangyari ang sunog.


Sinubukan pang i-rescue ang lalaki ngunit bigo itong mailigtas.


Namatay ang Briton dahil sa sobrang pagkalanghap ng usok.


Sinasabing bukod sa lalaki, mayroon ding namatay na trabahador dahil din sa pagka-trap sa loob ng hotel.


Sa kabila nito, ang Foreign Office at British consulate naman sa Morocco ay pinaniniwalaang susuporta sa naulilang pamilya.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page