top of page
Search
BULGAR

Bakasyunan at taguan daw niya, Sen. Kiko… SHARON, GUSTONG BUMILI NG PALASYO SA ENGLAND

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 2, 2020




Bukod sa pagbili ng milyones na halaga ng mga alahas, isa sa mga natutunan ni Megastar Sharon Cuneta ay ang pag-i-invest sa real estates na advise ng kanyang yumaong parents.


Kaya nang magsimula na siyang kumita sa kanyang showbiz career ay bumili na siya ng mga properties. Hindi raw bumababa ang halaga ng mga ito, bagkus ay nadodoble o triple pa ang market price after 5 to 10 years. Wala raw katalu-talo kapag nag-invest sa real estate properties.


Mahusay na businesswoman si Mega dahil nagbebenta siya ng mga nabiling properties kapag mataas na ang presyo nito. Milyones ang kinikita ni Sharon dito.


Pero, may 2 properties na gusto niyang bawiin at i-buy back for sentimental value reasons. Tulad ng dating bahay nila sa Dasma, Makati. Doon na lumaki si Mega at maraming masasayang memories ang gusto niyang balikan sa dati nilang bahay.


Gusto ring bilhin ulit ni Shawie ang dating condo na tinirhan nila ni Sen. Kiko Pangilinan.


At ang ultimate dream ni Mega ay makabili ng castle sa England!


May mga nakita na siyang castles na for sale ru'n. Balak niyang gawing bakasyunan at private hideaway ang castle at doon daw niya isasamang lahat ang kanyang mga apo.


Emote pa ni Shawie, kung hindi nanalanta ang Covid, malaki pa sana ang kanyang kikitain na puwede nang pambili ng pangarap niyang castle.


May 2 movies sana siyang gagawin, may malaking concert sa USA kasama si Regine Velasquez at marami siyang shows abroad na naka-schedule pero na-cancel ngang lahat dahil sa Covid pandemic!


Ganunpaman, hindi igi-give-up ni Sharon Cuneta ang kanyang pangarap na makabili ng castle! Marami naman siyang naipundar na alahas at properties na puwede niyang ibenta kung saka-sakali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page