top of page
Search
BULGAR

Bahay, sinugod ng bgy., ipinadlock… MAGGIE AT TIM CONNOR, IDINEMANDA NG ADULTERY NI VICTOR CONSUNJI

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 17, 2022




Labis na ikinabigla ni Maggie Wilson, ex-beauty queen at entrepreneur, na pinadlock ang bahay niya sa Barangay Bambang sa Taguig City nitong Biyernes, Hulyo 15, sa ganap na alas-kuwatro ng hapon.


Si Maggie ay asawa ni Victor Consunji, CEO ng Development Corporation (VCDC), DMCI pero nagkahiwalay sila noong 3rd quarter ng 2021 at isinapubliko nila ito at nagsabing mananatili silang magkaibigan at co-parenting sa nag-iisa nilang anak na si Connor, 10 years old.


Hindi pa man natatapos ang 2021 ay may mga nasusulat nang hindi okay ang ex-couple dahil tila may kinalaman ito sa business partner nilang dalawa na si Tim Connor o Tim Jayankura Na Ayudha ang tunay na pangalan, British-Thai business mogul, serial entrepreneur at miyembro ng Thai royal family.


Napagkikita sina Maggie at Tim sa mga okasyon na dinadaluhan nila na may kinalaman sa negosyo at higit sa lahat, hosts sila ng isang reality show na mapapanood sa online platform soon.


Wala pang pirmahan ng legal separation na naganap sa pagitan nina Maggie at Victor dahil ayon sa aming source ay wino-workout pa ito.


So technically, mag-asawa pa rin sina Maggie at Victor, kaya nakapag-file ang huli ng three counts of adultery laban sa asawa at kay Tim kahit pa sa kasalukuyan ay parehong nasa ibang bansa ang dalawa.


At dahil wala nga sa bansa si Maggie ay nagulat na lang siya nang magsabi sa kanya ang kapatid kasama ang 5-year-old nitong anak na kasalukuyang pinatitira nito sa bahay niya, sa nangyaring kaguluhan nu'ng Biyernes.


Ayon kay Maggie — sa pamamagitan ng kanyang Instagram video post — ay pumasok daw ang mga representatives ng VCDC DMCI sa kanyang bahay.


“Both members of Victor Consunji Development Corp. accompanied by the local barangay of Bambang, Taguig, on behalf of Victor Consunji and DMCI, entered my home illegally, with no notice, no warrant, and no proper paperwork,” ani Maggie sa kanyang Instagram post.


“They stated that the property is owned by DMCI despite me explaining over the phone, on multiple occasions, that there is a contract that exists on the property signed by Bernie Mendoza himself.


“They entered my home and took videos of personal belongings of those of myself and my family illegally.”


Dagdag pa, “This is a very real threat. It could potentially happen to you on VCDC and DMCI land despite having the correct paperwork in place."


Ikinuwento rin ng kapatid ni Maggie na may ipinakita siyang property contract sa mga opisyales ng VCDC at DMCI at nagkatawanan daw sila saka nag-alisan at pinutulan sila ng kuryente.


Inakala ng kapatid ni Maggie na may problema ang kuntador nila at pumunta naman ang mga taga-Meralco, pero hindi sila pinapasok ng guard on duty ng subdibisyon at binanggit nga na ipinaputol ng may-ari ng DMCI ang kuryente.


Payo ng taga-Meralco sa kapatid ni Maggie, kausapin daw ang owner ng DMCI para magkaayos sila at maibalik ang kuryente nila.


Say ni Maggie, “I fear that if I was there, they would have used them on me. I am currently away for business. I’m scared for mine and my family’s life.”


Kaya humihingi siya ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas tungkol dito.


“I urge our government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women day in and day out.”


Sa kasalukuyan ay nagpadala naman ng sulat ang legal counsel ni Maggie mula sa Divina Law Office na nagsasaad na hindi nila palalampasin ang ginawang ito ng taga-VCDC DMCI dahil illegal ang pagpasok nila nang walang paalam sa bahay, kumuha ng mga videos ng personal na pag-aari nito at tinanggalan sila ng kuryente para mag-suffer ang kapatid at anak nitong limang taong gulang sa init at kadiliman ng bahay.


Base naman sa huling pahayag ni Maggie sa kanyang IG stories, “The truth about EVERYTHING will come out soon.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page