ni Mary Gutierrez Almirañez | February 21, 2021
Inaasahang magla-landfall ang Bagyong Auring sa Dinagat Islands, Eastern Samar, Leyte mamayang gabi, Pebrero 21 o bukas nang madaling-araw, Pebrero 22.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 320 kilometro sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur na mayroong taglay na lakas ng hanging aabot sa 65 km per hour.
Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Katimugang bahagi ng Eastern Samar
Dinagat Islands
Hilagang bahagi ng Surigao Del Norte (kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands)
Signal No. 1 naman sa mga sumusunod pang lugar:
Sorsogon
Mainland Masbate
Ticao Island
Northern Samar
Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Cebu
Bohol
Siquijor
Negros Oriental
Hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental
Silangang bahagi ng Iloilo
Silangang bahagi ng Capiz
Nalalabing bahagi ng Surigao Del Norte
Surigao Del Sur
Agusan Del Norte
Agusan Del Sur
Davao Oriental
Davao De Oro
Davao Del Norte
Davao City
Camiguin
Misamis Oriental
Bukidnon
Samantala, isang bahay sa Tandag City, Surigao del Sur ang tinangay ng baha kaninang umaga kung saan hanggang dibdib na ang taas.
"Although hindi pa nag-landfall si Auring, grabe talaga ang pagtaas ng water level dito ngayon," paliwanag pa ni Chief of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Abel de Guzman.
Noong Biyernes ay ipinag-utos na ang preemptive evacuation at kahapon ipinatupad ang forced evacuation sa mga coastal area. Mahigit 5,052 pamilya o 18,590 indibidwal ang mga inilikas sa evacuation centers.
留言