ni Jasmin Joy Evangelista | February 19, 2022
Dumating na sa bansa ang anim na Pinoy na bahagi ng repatriation program bunsod ng Ukraine-Russia crisis.
Dumating mga ito sa nitong Biyernes sa Ninoy Aquino Internation Airport, ayon sa Department of Foreign Affairs. Mabibigyan din sila ng cash o livelihood assistance.
“The Philippine government, through the Philippine Embassy in Warsaw, provided funding assistance to the six Filipinos who voluntarily requested to be repatriated to the country,” ayon sa DFA.
Ayon sa DFA, patuloy silang magmo-monitor sa sitwasyon sa mga border ng Ukraine habang ang Philippine embassy sa Poland ay nakikipag-ugnayan sa Filipino community sa Ukraine.
“The Philippine Embassy in Warsaw, which is in active coordination with its Philippine Honorary Consulate General in Kyiv, is also cooperating closely with the Philippine Consulate General in Istanbul to facilitate this repatriation,” pahayag ng DFA.
“This is to ensure that government assistance is available to the group at all transit points,” dagdag pa nito.
Hinikayat naman ni Philippine Ambassador Leah Ruiz ang mga Pinoy sa Ukraine to na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Warsaw at sa Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv upang ma-assist sakaling gustong ma-repatriate.
Para sa mga Pilipino na kailangan ng repatriation program, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na contact details:
Emergency Mobile Number +48 604 357 396
Office Mobile Number +48 694 491 663
Comentários