ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 2, 2024

Pinalikas ang 71 pamilya dahil sa pagbaha na dulot ng malakas na ulan sa ilang barangay sa Sta. Maria, Davao Occidental.
Sinabi ng mga otoridad na umapaw ang tubig sa ilog at umabot sa ilang mga bahay.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama sa mga barangay na apektado ang Buca, Pongpong, San Isidro, San Roque, at Basiawan.
Nagbahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office ng food packs sa mga biktima ng baha.
Nagbigay naman ng paalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), na magdadala ang easterlies ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa rehiyon ng Davao at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ibinabala rin sa publiko ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Kommentare