ni Twincle Esquierdo | November 11, 2020
Inaasahan nang tatama sa Pilipinas sa loob ng 12 hanggang 24 oras ang Bagyong Ulysses, ayon sa PAGASA.
Huling namataan ang Ulysses sa 215km silangang bahagi ng Virac, Catanduanes na may lakas na 100 kph at 125 kph gusts. Ayon sa PAGASA, posibleng maging storm surge ang Ulysses na may lakas na 130 - 155 kph bago tumama sa lupa.
Makararanas ng tropical cyclone wind signal (TCWS) No. 2 ang Metro Manila at karatig lugar nito. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagbabago ng Ulysses, maaaring makaranas ng TCWS No. 3 ang Bicol, Metro Manila, ilang bahagi ng Calabarzon at Central Luzon.
Makararanas naman ng TCWS No. 2 ang ilang bahagi ng Luzon na may 61-120kph wind na maaaring magdulot sa pagkasira ng mga lumang poste.
Ang mga lugar na ito ay ang: •Southern portion ng Nueva Vizcaya (Dupax Del Norte, Dupax Del Sur, Alfonso Castaneda) at Quirino (Nagtipunan) •Central at southern portion ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan) •Silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Muñoz City, Quezon, Santo Domingo, Aliaga, Jaen, Cabiao, San Isidro, San Leonardo, San Antonio, Santa Rosa, Gapan City, Peñaranda, General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, San Jose City, Llanera, Talavera, Cabanatuan City, General Mamerto Natividad, Palayan City, Laur, Rizal) •Silangang bahagi ng Pampanga (Arayat, Mexico, San Fernando City, Minalin, Santo Tomas, Macabebe, Masantol, Apalit, San Simon, San Luis, Santa Ana, Candaba) •Bulacan •Metro Manila •Rizal •Laguna •Cavite •Batangas •Quezon kasama ang Polillo Island •Marinduque •Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera) •Camarines Norte •Camarines Sur •Catanduanes •Albay •Sorsogon •Ticao Island •Burias Island Makararanas naman ng Signal No. 1 na may 30-60 kph sa mga lugar ng Isabela, ilang bahagi ng Quirino at Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, ilang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon at Masbate.
Sa Visayas, makararanas din ng Signal No. 1 ang Northern Samar, Eastern Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)
Katamtaman hanggang papalakas na ulan naman ang mararanasan ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, southern portion ng Quezon at Northern Samar.
Komentar