ni Thea Janica Teh | November 2, 2020
Napanatili ng bagyong Siony ang kanyang lakas sa pagbaybay nito ngayong Lunes sa west-northwestward ng Philippine Sea, ayon sa PAGASA.
Namataan ang sentro ng bagyo sa 620 km east ng Aparri, Cagayan. Ito ay may lakas na 65 kph at may bugso ng hangin sa 80 kph.
Sa press briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ng PAGASA forecaster na itataas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang Cagayan Valley kasabay ng pag-landfall ng bagyo sa Huwebes.
Inaasahan din na babagal ang bagyo sa darating na Martes at Miyerkules nang umaga papunta sa Northern Luzon.
Magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyong Siony ngayong Lunes sa Batanes, Cagayan at Isabela, kaya naman, pinag-iingat ang lahat ng mga residenteng naninirahan sa mga nabanggit na lugar sa posibleng baha at landslide.
Comments