top of page
Search
BULGAR

Bagyong Rolly, humina na; Siony, pumasok naman

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 1, 2020




Inalis na ang tropical cyclone signal no. 5 ngayong Linggo dahil humina na ang Typhoon Rolly matapos itong mag-landfall ng dalawang beses sa rehiyon ng Bicol.


Habang nananalasa na Bagyong Rolly, ayon sa PAGASA ay pumasok din sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Cyclone Siony na may international name na Atsani ngayong Linggo, alas-8 AM na may hanging may lakas na 75 kph at kumikilos ng west-northwestward.


Ayon din sa PAGASA, hindi masyadong maaapektuhan ang bansa ng Bagyong Siony.


Sa latest weather bulletin kaninang 11 AM, ayon sa PAGASA, ang hanging taglay ng Bagyong Rolly ay may lakas na 215 kph at kumikilos pa-kanluran nang 25 kph.


Samantala, nakataas ang signal no. 4 na may hanging aabot sa 171 kph hanggang 220 kph sa sumusunod na lugar:

  • Metro Manila,

  • Camarines Norte,

  • Camarines Sur,

  • Catanduanes,

  • Albay,

  • Ilang bahagi ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Juban, Casiguran, Magallanes),

  • Burias Island,

  • Marinduque,

  • Cavite,

  • Laguna,

  • Batangas,

  • Rizal,

  • Quezon including Polillo Islands,

  • Pampanga,

  • Bulacan,

  • Southern portion ng Aurora (Dingalan),

  • Bataan,

  • Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City, Botolan, Cabangan),

  • Northwestern portion ng Occidental Mindoro (Mamburao, Paluan) kabilang ang Lubang Island, at

  • Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Pola, Victoria, Socorro, Pinamalayan).


Itinaas ang Albay at Camarines Sur sa TCWS no. 5 matapos mag-landfall ang Bagyong Rolly sa Bato, Catanduanes kaninang 4:50 AM at sa Tiwi, Albay kaninang 7:20 AM na may lakas ng hanging aabot sa 225 kph.


Tinatayang kikilos ang Bagyong Rolly papuntang Marinduque-Southern Quezon area mamayang hapon at sa Batangas-Cavite area mamayang gabi.


Inaasahan namang lalabas ng Luzon ang Bagyong Rolly mamayang hatinggabi o bukas ng umaga.


Ayon naman sa PAGASA, patuloy pa rin ang “heavy to intense” na pag-ulan sa Metro Manila, Bicol region, Calabarzon, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces, Bataan, Bulacan, Aurora, at eastern portions ng Cagayan at Isabela.


Moderate to heavy rains naman ang patuloy na mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.


Patuloy naman ang “Light to moderate with at times heavy rains” sa Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.


Nagbabala rin ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha, landslides at lahar dahil sa matinding pag-ulan.


Samantala, nakataas pa rin ang TCWS no. 3 sa sumusunod na lugar:

  • Ilang bahagi ng Sorsogon,

  • Northern portion ng Masbate (Mobo, Masbate City, Milagros, Uson, Baleno, Aroroy, Mandaon) kabilang ang Ticao Island,

  • Ilang bahagi ng Zambales,

  • Romblon,

  • Ilang bahagi ng Occidental Mindoro,

  • Ilang bahagi ng Oriental Mindoro,

  • Tarlac,

  • Southern portion ng Nueva Ecija (Cuyapo, Talugtug, Muñoz City, Llanera, Rizal, Bongabon, Gabaldon, General Tinio, Laur, Palayan City, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Santa Rosa, Peñaranda, Gapan City, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen, San Leonardo, Zaragoza, Aliaga, Talavera, Santo Domingo, Quezon, Licab, Guimba, Nampicuan),

  • Central portion ng Aurora (San Luis, Baler, Maria Aurora), at

  • Northern Samar.


Signal no. 2 naman sa sumusunod na lugar:

  • rest of Aurora,

  • Nueva Vizcaya,

  • Quirino,

  • Benguet,

  • La Union,

  • Pangasinan,

  • Rest of Nueva Ecija,

  • Rest of Masbate,

  • Northern portion ng Samar (Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, Hinabangan, San Sebastian, Tarangnan, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Gandara, Santa Margarita, Calbayog City, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An),

  • Northern portion ng Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad),

  • Extreme northern portion ng Antique (Pandan, Libertad, Caluya),

  • Northwestern portion ng Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay).


Signal no. 1 naman sa sumusunod na lugar:

  • Mainland Cagayan,

  • Isabela,

  • Apayao,

  • Kalinga,

  • Mountain Province,

  • Ifugao,

  • Abra,

  • Ilocos Norte,

  • Ilocos Sur,

  • Northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kabilang ang Calamian at Cuyo Islands,

  • Rest of the northern portion ng Antique (Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, Laua-An)

  • Rest of Aklan,

  • Capiz,

  • Northern portion ng Iloilo (Lemery, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles),

  • Northern portion ng Cebu (San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan Islands,

  • Biliran,

  • Rest of Samar,

  • Rest of Eastern Samar, at

  • Northern portion ng Leyte (San Isidro, Tabango, Villaba, Matag-Ob, Palompon, Ormoc City, Pastrana, Palo, Calubian, Leyte, Kananga, Capoocan, Carigara, Jaro, Tunga, Barugo, Alangalang, Santa Fe, Tacloban City, Babatngon, San Miguel).



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page