ni Thea Janica Teh | November 1, 2020
Nag-landfall na sa Lobo, Batangas ang Bagyong Rolly at ito na ang ikaapat na landfall sa bansa ngayong araw, ayon sa PAGASA.
Namataan ng PAGASA nitong alas-5 ng hapon ang bagyo sa 50 kms south southwest sa Tayabas, Quezon na gumagalaw sa 25 km per hour. Ito ay may maximum wind na 165 kph at may bugso ng hangin sa 230 kph.
Nakapailalim pa rin sa Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 3 ang mga sumusunod na lugar:
Metro Manila
Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Narciso, Subic, Olongapo City, Castillejos, San Antonio)
Bataan
Southern portion ng Pampanga (Floridablanca, Guagua, Minalin, Apalit, Macabebe, Masantol, Sasmuan, Lubao)
Southern portion ng Bulacan (Baliuag, Bustos, Angat, Norzagaray, San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Malolos City, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan City, Obando, Bulacan, Paombong, Hagonoy)
Rizal
Quezon including Polillo Islands
Cavite
Laguna
Batangas
Marinduque
Northwestern portion ng Occidental Mindoro (Santa Cruz, Mamburao, Paluan, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Island
Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Victoria, Naujan Lake, Pola, Socorro).
Samantala, nakataas pa rin sa TCWS No. 2 ang mga sumusunod na lugar na makararanas ng 61-120 kph wind:
Natitirang bahagi ng Zambales
Natitirang bahagi ng Pampanga
Natitirang bahagi ng Bulacan
Southern portion ng Tarlac (Concepcion, Capas, Bamban)
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Southern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gapan City, Peñaranda, San Leonardo, Jaen, San Isidro, Cabiao, San Antonio)
Nakararanas naman ng 30-60 kph wind ang mga sumusunod na lugar kaya naman nakapailalim pa rin ang mga ito sa TCWS No. 1:
Mainland Cagayan
Isabela
Apayao
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Abra
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Benguet
Nueva Vizcaya
Quirino
Natitirang bahagi ng Aurora
Natitirang bahagi ng Nueva Ecija
Natitirang bahagi ng Tarlac
Camarines Sur
Camarines Norte
Burias Island
Romblon
Calamian Islands
Inaasahan naman na makalalabas na ng bansa ang Bagyong Rolly sa Lunes nang gabi o Martes nang umaga.
Comments