top of page
Search
BULGAR

Bagyong Ofel, tatama sa Samar

ni Thea Janica Teh | October 14, 2020




Itinaas na sa Signal No. 1 ang ilang bayan sa Eastern Samar matapos ideklara ng PAGASA ngayong Martes na naging bagyo na ang binabantayang low pressure area at pinangalanang Ofel.


Sa naitala sa weather bulletin kaninang alas-5 ng hapon, itinaas na sa TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar:


• Sorsogon

• Nothern Samar

• Northern part ng Eastern Samar kabilang ang Borongan City, San Julian, Sulat, Taft,

Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpio, Ateche at Jipapad.

• Northern part ng Samar kabilang ang Pinabacdao, Villareal, Talalora, Daram,

Zumarraga, Calbiga, Hinabangan, Paranas, San Sebastian, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Tarangnan, Gandara, Pagsanghan, Santa

Margarita, Calbayog City, Santo Nino, Almagro at Tagapul-An.


Inaasahan din na itataas ng PAGASA sa TCWS No. 1 ang Albay, Ticao Island at ilan pang

parte ng Eastern Samar at Samar.


Samantala, namataan kaninang alas-4 ng hapon ang sentro ng Ofel sa 115 kilometer east southeast ng Guiuan, Eastern Samar na may maximum sustained wind na 45 kilometers per hour.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page