ni Thea Janica Teh | September 17, 2020
Lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Leon ngayong
Huwebes, Setyembre 17, nang 3:00 am, ngunit ayon sa PAGASA, inaasahan na magiging
maulan pa rin ang ilang parte ng bansa dahil sa hanging habagat.
Sa inilabas na update ng PAGASA, nasa 360 kilometers north ng Kalayaan Islands sa
Palawan na ang bagyong Leon. Ito ay papunta na sa west northwest sa 15 km/hr.
Dagdag pa ng PAGASA, maaari itong lumiko sa westward bukas, Setyembre 18, at magla-
landfall sa northern o central Vietnam.
Samantala, inaasahan na magiging maulan ang ilang lugar sa bansa kabilang ang Batanes, Babuyan Islands, Mimaropa at Western Visayas dahil sa hanging habagat.
Bukod pa rito, magdadala rin ng kaunting pag-ulan ang habagat sa Bicol, Aurora, Quezon, Visayas, Caraga, Palawan, Occidental Mindoro, Zambales at Bataan.
Kaya naman pinaalalahanan ng PAGASA na delikado pang bumiyahe sa dagat dahil mataas ang alon sa 2.8 hanggang 4.5 metro.
Comments