ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021
Bahagyang humina ang Bagyong Kiko at ngayon ay kumikilos ito sa coastal waters ng Itbayat, Batanes ngunit nakataas pa rin ang Signal #4 sa Batanes, ayon sa PAGASA.
Nakataas pa rin ang wind signals sa iba’t ibang panig ng rehiyon:
TCWS No. 3
The rest of Batanes
TCWS No. 2
The northern portion of Babuyan Islands (Babuyan Island, Panuitan Island, Calayan Island)
TCWS No. 1
The rest of Babuyan Islands
the northern portion of Cagayan (Santa Ana, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Gonzaga)
the northeastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud)
Makararanas pa rin ng malakas na pag-ulan sa Batanes sa susunod na 24 oras, habang patuloy pa rin ang panaka-nakang ulan sa Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga, at iba pang panig ng bansa, ayon sa PAGASA.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kiko sa Linggo nang gabi o Lunes nang umaga.
Comentários