ni Mai Ancheta @News | October 7, 2023
Isang low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa posibilidad na makapasok ito sa bansa sa araw ng Linggo.
Ang LPA ay naispatan malapit sa Guam at papalapit sa silangang bahagi ng Luzon, kumikilos pakanluran.
Agad namang nilinaw ng weather bureau na hindi ito makaaapekto sa panahon ngayong weekend.
Ayon sa PAGASA, kapag nabuo ang LPA na bagyo ay tatawaging "Kabayan".
Samantala, nakalabas na sa PAR ang bagyong Jenny subalit patuloy nitong hinahatak ang habagat na nakakaapekto sa sama ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon.
コメント