ni Mai Ancheta @News | September 5, 2023
Isa na namang bagyo ang nagbabadyang manalasa sa bansa.
Ito ay matapos mamataan ng PAGASA sa hilagang Luzon ang isang low pressure area o namumuong sama ng panahon sa distansyang 870 kilometro.
Ayon sa PAGASA, ito ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela habang papalapit ng bansa.
Gayunman, ayon sa weather bureau, hindi na pa ito nakakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), at kung sakaling matuloy ay tatawagin itong "Ineng".
Nilinaw ng PAGASA na ang nararanasang mga pag-ulan ay hindi na epekto ng Bagyong Hanna dahil nakalabas na ito ng Pilipinas, bagkus ito ay dahil sa epekto ng habagat.
Comments