top of page
Search
BULGAR

Bagyong Egay at Habagat, joint forces

ni Jeff Tumbado @Weather News | July 25, 2023




Mas tumindi pa ang Bagyong Egay habang ito'y posibleng mag-landfall sa kalupaan ng Babuyan Islands-Batanes area ngayong araw ng Martes.


Sa latest update ng PAGASA, huling namataan ang gitna ng bagyo 525 kilometro silangan ng Baler, Aurora kahapon ng hapon.


Ito ay may lakas ng hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna na may bugso ng hangin hanggang 185 kilometro kada oras at mabagal na tumatawid sa direksyong pakanluran.


Malaki rin ang posibilidad na tumama ang bagyo sa mainland Cagayan.


Nakikita ang nasa 50-100 millimeter na pag-ulan sa mga bahagi ng Cagayan, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, at hilagang bahagi ng Sorsogon sa susunod na dalawang araw.


Maaaring palakasin din ng Bagyong Egay ang hanging Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Timog Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.


Tinatayang lalabas ang bagyo ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes habang tinutumbok nito ang mga katubigan sa timog-kanlurang Taiwan.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page