top of page
Search
BULGAR

Bagyong Domeng, nakalabas na ng PAR — PAGASA

ni Lolet Abania | July 2, 2022



Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Domeng na may international name na Aere ngayong Sabado ng umaga, ayon sa PAGASA.


Sa 11AM bulletin ng weather bureau, alas-10:00 ng umaga, namataan ang sentro ni ‘Domeng’ na nasa layong 990 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon na matatagpuan sa labas ng PAR.


Taglay nito ang maximum sustained winds ng 85 km/h malapit sa sentro, gustiness na aabot ng 105 km/h, at central pressure ng 994 hPa.


Kumikilos si ‘Domeng’ patungong north northwestward ng 30 km/h at inaasahang pinakamalapit na daraan ito sa buong Ryukyu Islands ng Japan ngayong Sabado ng gabi. Habang patungong north northwestward ng Linggo sa East China Sea.


Ayon sa PAGASA, “from its center, strong to gale-force winds are extending outwards up to 400 km.”


“’DOMENG’ is forecast to remain tropical storm in the next 36 hours,” pahayag ng weather bureau.


“Tropical Storm ‘DOMENG’ is not directly affecting the archipelago within the forecast period,” dagdag ng PAGASA.


Gayunman, nananatiling nakababa ang gale warning sa buong western seaboards ng Northern at Central Luzon dahil kay ‘Domeng’, Typhoon Chaba at ang Southwest Monsoon o Habagat.


Ang natitirang seaboards ng Northern Luzon at western seaboard ng Southern Luzon ay makararanas din ng katamtaman hanggang sa rough seas, na may mga pag-alon na posibleng umabot ng hanggang 4 metrong taas, na magiging mapanganib para sa maliliit na sasakyang pandagat.


Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management offices na patuloy na magsagawa ng mga kaukulang pag-iingat kaugnay sa bagyo.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page