ni Mai Ancheta @News | July 15, 2023
Posibleng lumakas pa ang Bagyong Dodong hanggang ngayong Sabado bago ito tuluyang lumabas ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan pa rin ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong weekend dahil sa pinalakas nitong habagat.
Nakataas ang signal number 1 sa mga lalawigan ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Apayo, Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mountain Province, Kalinga at ilang bahagi ng Isabela.
Magiging maulan ang ilang bahagi ng bansa bunsod ng habagat gaya ng ilang bahagi ng Ilocos Region, MIMAROPA, Zambales at Bataan habang makararanas din ng ulan ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Pampanga, Bulacan at Western Visayas.
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng flash floods at landslides dahil sa mga pag-ulan na maaaring magpalambot ng lupa
Comments