ni Lolet Abania | August 1, 2020
Namataan ang Bagyong Dindo sa layong 825 km sa silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan, ayon sa PAG-ASA na patuloy na binabantayan.
Isang tropical depression ang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) na tinawag na Bagyong Dindo na may galaw papuntang west northward na 10 kms per hour (km/h), at may maximum sustained winds na 45km/h malapit sa sentro at napapanatiling bugso ng hanggang 55 km/h.
Ayon pa sa PAG-ASA, walang tropical cyclone wind signal na bigay ang Bagyong Dindo. Subalit, ang southwest monsoon o habagat buhat sa isa pang tropical depression na nasa labas ng PAR, ang nagdadala ng mahina hanggang katamtaman na may kasamang malalakas na pag-ulan sa Luzon, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Naglabas na rin ng gale warning ang PAG-ASA sa northern at western seaboards ng Luzon at nagbabala na mapanganib ang paglalayag sa mga naturang lugar. Gayundin, pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na magsagawa ng precautionary measures habang patuloy na nasa laot at baybaying bahagi ng bansa dahil sa katamtaman hanggang sa malalakas na pag-alon ng dagat.
Inaasahan ang paglabas sa bansa ng Bagyong Dindo matapos ang 48-oras o sa Lunes, August 3. Ang Tropical Depression Dindo ang ika-apat na bagyong pumasok sa ating bansa ngayong taon.
Comments