ni Mary Gutierrez Almirañez | June 2, 2021
Patuloy na nananalasa ang Bagyong Dante sa bahagi ng Luzon at Visayas, batay sa bulletin report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong umaga, June 2.
"Posible po itong magkaroon ng pangatlong landfall d'yan sa may bahagi ng Romblon ngayong hapon," giit ni PAGASA Weather Forecaster Ana Clauren.
Dagdag niya, "Kung mag-westward pa po ang kanyang pagkilos, possible rin po nitong daanan ang bahagi ng Oriental Mindoro pagkatapos dumaan sa bahagi ng Romblon."
Sa ngayon ay nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
• southern portion ng Quezon (San Francisco, Mulanay, Catanauan, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, Sariaya, City of Tayabas, Lucena City, Dolores, Lucban, Candelaria, Tiaong, San Antonio, San Andres, San Narciso)
• Batangas
• southern portion ng Laguna (Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Bay, Los Baños, Alaminos)
• Marinduque
• Oriental Mindoro
• northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog)
• Romblon
• western portion ng Masbate (Aroroy, Milagros, Mandaon, Balud) including Burias Island
• northern portion ng Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)
• northern portion ng Aklan (Malay, Nabas, Ibajay, Tangalan, Makato, Lezo, Numancia, Kalibo, New Washington, Batan)
• northeastern portion ng Iloilo (Balasan, Estancia, Carles)
Samantala, ramdam din ang hagupit ng Bagyong Dante sa Metro Manila, kung saan kasalukuyang nakataas ang Signal No. 1.
Kabilang din sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• western portion ng Kalinga (Pasil, Tanudan, Lubuagan, Balbalan, Tinglayan)
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• southern portion ng Isabela (Ramon, Cordon)
• Nueva Vizcaya
• western portion ng Quirino (Nagtipunan, Cabarroguis, Diffun, Aglipay, Saguday)
• central at southern portion ng Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan), Zambales
• Bataan
• Tarlac
• Nueva Ecija
• Pampanga
• Bulacan
• Rizal
• the rest of Quezon
• the rest of Laguna
• Cavite
• Occidental Mindoro
• Calamian Islands
• Cuyo Islands
• western portion ng Camarines Norte (Labo, Capalonga, Santa Elena),
• western portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Lupi, Ragay, Sipocot, Libmanan, Pasacao, Pamplona, San Fernando, Minalabac, Bula, Nabua, Balatan, Bato, Cabusao, Milaor, Canaman, Gainza, Camaligan, Magarao)
• western portion ng Albay (Polangui, Libon, Oas, City of Ligao, Pio Duran, Guinobatan, Jovellar)
• natitirang bahagi ng Masbate kabilang ang Ticao Island
• western portion ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Magallanes, Bulan, Matnog)
• Antique
• natitirang bahagi ng Aklan
• natitirang bahagi ng Capiz
• natitirang bahagi ng Iloilo
• Guimaras
• northern portion of Negros Occidental (La Castellana, Pontevedra, Hinigaran, Moises Padilla, Pulupandan, Valladolid, San Enrique, La Carlota City, San Carlos City, Bago City, Bacolod City, Murcia, Salvador, Benedicto, Calatrava, City of Talisay, Silay City, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Manapla, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso)
• northern portion of Negros Oriental (Canlaon City, Vallehermoso)
• northwestern portion of Cebu (Pinamungahan, Toledo City, Balamban, Asturias, Tuburan, Tabuelan, Medellin, San Remigio, Daanbantayan) including Bantayan Islands
Ang mga barangay at mga komunidad na prone sa pagbaha at rain-induced landslides ay pinapayuhang patuloy na mag-monitor at magsagawa ng mga kaukulang paghahanda at posibleng paglikas kung kinakailangan.
Bahagya namang pumihit ang bagyo sa direksiyon na kanluran hilagang-kanluran kaya inaasahan na tatahakin nito ang mainland Luzon na posibleng dahilan para humina ang bagyo.
Commenti