ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 19, 2021
Nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ang ilang lugar kahit humina na ang severe tropical storm na ‘Auring’ bilang tropical storm, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes nang hapon.
Sa 5 PM weather bulletin, ayon sa PAGASA, ang mga sumusunod na lugar ay isinailalim sa TCWS No. 1:
Southern Leyte at southeastern portion ng Eastern Samar (Guiuan kabilang ang Homonhon Island),
Dinagat Islands,
Surigao del Norte,
Surigao del Sur,
Agusan del Norte,
Agusan del Sur,
Davao Oriental,
Davao de Oro,
Davao del Norte,
Davao City,
Camiguin,
Western portion ng Misamis Oriental (Balingasag, Balingoan, Binuangan, Claveria, Gingoog City, Jasaan, Kinoguitan, Lagonglong, Magsaysay, Medina, Salay, Sugbongcogon, Tagoloan, Talisayan, Villanueva), at
Western portion ng Bukidnon (Cabanglasan, Impasug-ong, Lantapan, Malaybalay City, Malitbog, Manolo Fortich, Maramag, Quezon, San Fernando, Sumilao, Valencia City)
Ayon sa PAGASA, marami pang lugar sa Northern Mindanao at Eastern Central Visayas ang inaasahang isasailalim sa TCWS No. 1 at possible rin umanong isailalim sa TCWS No. 2 ang Surigao del Sur at Davao Oriental sa mga susunod na oras.
Pasado alas-kuwatro nang hapon ngayong Biyernes, namataan ang sentro ni ‘Auring’ sa 405 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur at taglay ang hanging may lakas na 85 kilometers per hour.
Inaasahang magla-landfall si ‘Auring’ sa eastern coast ng Caraga Region sa Linggo nang umaga at posible umanong lumakas itong muli sa severe tropical storm bago mag-landfall.
Nagbabala rin ang PAGASA sa pagbaha, flash floods, at landslides.
Hindi rin umano ligtas ang pagbiyahe sa mga karagatan sa eastern seaboard ng Mindanao sa susunod na 24 oras ganundin sa seaboards ng Luzon, Visayas, at northern seaboard ng Mindanao.
Saad pa ng PAGASA, “Sea travel is risky for all types of sea vessels over these waters.
“Mariners of small sea crafts are advised to take precautionary measures when venturing out to sea. Inexperienced mariners should avoid navigating in these conditions.”
Comments